#ElitesGiveway
Second day of first periodical exam. Kaunting tiis pa at isang exam na lang, makakauwi na kami. Bahala na kung magiging pasado ba o hindi.
Gusto kong umurong sa out of town trip ng mga Elites. Kaso anong magagawa ko, nakasagot na ako na sasama ako. Susunduin na nila ako mamaya sa bahay, ahapon na ng Linggo ang uwi namin.
“Kanina ka pa tahimik Bes.” biglang nagsalita si Ellie.
Gustuhin ko mang tanungin sya kung kailan nya ako nakitang dumaldal, kaso tinatamad rin ako.
Wala pa si Ms. Tanako para ibigay yung susunod naming sasagutan na test paper. Kaya may ilan ilan dito sa room na nagiingay at kung ano ano na lang ang ginagawa.
“May problema ba?” nagaalala nyang tanong. Kaso umiling lang ako.
May problema nga ba? Ang alam ko wala naman akong problema.
Pero parang may mali sa’kin...
“C.A. Mamaya ha?” biglang dumaan sa harapan namin si Axle at may pagkindat pa ito sa’kin bago ito bumalik sa upuan nito.
Saan sya nanggaling at kung saan saan na lamg s'ya sumusulpot?
“Alam mo, excited na ‘ko. Paglipat mo lang pala dito sa HFA ang makakapagpasama sa’kin sa outing ng Elites eh.” natutuwang saad ni Ellie kya saglit ko syang tinitigan.
Bakit parang ang espesyal na masyado kung makakasama ng Elites sa isang outing? Masyadong big deal kahit na dito kay Ellie. Ang babaw, sa totoo lang.
Kung hindi ako sasama, mawawala ang excitement nitong si Ellie at mapapwi agad ang ngiting yan oras na sabihin ko yun. Ayaw ko namang maging selfish.
Big deal ba talagang makasama ang mga Elites na yun? Maituturing ko ba talagang swerte ako na makasama sila? Kasi kung tatanungin ako, 'hindi' ang sagot ko. Kaya lang naman ako napa-oo kasi natriggered ako sa sinabi ni Blaze doon sa Cafeteria. Siguradong sigurado syang hindi ako sasama. Kaso nga iniba ko ang expectations nya para mainis sya.
Isa pa, hindi ang makasama sila ang habol ko. Gusto kong mapayapa ang isip ko kahit papaano. Ang makalanghap ng ibang hangin. Yung hindi polluted kagaya ng nandito sa HFA. Polluted na masyado dito eh. Nga lang, kasama yung isa sa mga pinagmumulan ng polusyon.
“Hey.” Sumulpot sa harapan namin si Dwayne. “Pakihatid daw kay Blaze sa office. In five minutes, dapat daw maihatid mo na.” nagaalangang ngumiti ito habang inaabot ang isang envelope.
Agad ko namang kinuha at mabilis na tumayo. In fifteen minutes pa naman bago kami magsimula sa susunod na exam.
“Magiingat ka.” he smiled genuinely bago umalis sa harapan namin.
“Gusto mong samahan kita?” agad akong napatingin kay Ellie. Ramdam nya siguro talaga na may kakaiba sa’kin ngayon.
“I can handle. Saglit lang din naman ako.”
Diretso akong lumabas ng room. Binilisan ko ang lakad hanggang sa makarating ako sa office ng mga student councils.
Wala na akong sinayang na oras at agad na pinihit ang door knob ng kwarto. Si Blaze agad ang bumungad sa mga mata ko habang nakaupo sa pinakadulo ng may kahabaang table. Magisa lang sya dito. Nakatungo lamang ito habang nagsusulat. Hindi alintana ang pagdating ko.
BINABASA MO ANG
The Elites
AksiCandid was never meant to be understood. She grew up hiding more than her face. Always hidden behind a mask and scarf, she became the kind of girl people feared without knowing why-quiet, cold, and dangerously unreadable. Some called her freak. Othe...
