••••
#ElitesMatch
“Tangina. Anong ginagawa n’yo rito?”
Halos mapatalon ako sa gulat ng may madatnan ako sa loob ng unit ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang. Iniwan kong sarado at walang tao, bakit ngayon bigla na namang parang naging zoo?
Sabay sabay silang tumingin sa'kin. Ilang segundo pang awang ang bibig nila na parang may mali sa sinabi ko o nakakagulat sa itsura ko.
“Nagmumura pala si C.A?” inosenteng tanong ni Axle sa mga kasama n'yang prente na nakaupo sa sofa.
“Narinig mo naman. Ulitin ko pa ba?” balewala namang tugon sa kanya ni Trust.
“Yung bibig mo Candid. Ang pangit pakinggan.” inis na sabi naman ni Blaze.
“Anong ginagawa n'yo rito? Trespassing ‘tong ginagawa n’yo.” asik ko sa kanila ng tuluyan ng makapasok sa unit ko.
“Ask them.” baling ni Dwayne sa bandang kitchen.
Hindi ko rin inaasahan pa ang tatlong tao roon na makikita ko. Napaawang na lang ang bibig ko habang parang tangang nakatingin lang sa pagkakalat nila sa counter ng kitchen.
“Hi Candy Cush!”
“Bes.”
“Hi Candid.”
Parang gusto ko pa ulit magmura. Anong ginagawa nilang lahat dito? Bakit nila naisip na dito magkalat!?
“Yang si Ellie ang mastermind ng krimen. Habang si Blaze naman ang pangalawang suspect na nagpapasok sa'min dito sa unit mo na unit din daw n'ya kasi s'ya naman daw ang nagbabayad.” seryosong sumbong ni Trust sa'kin.
Si Ellie medyo okay okay pa eh. Si Blaze medyo kaya ko pang intindihin since ugali na n'ya talaga na mamasok ng walang paalam. Pero ang makumpleto pa talaga sila dito? Tapos kasama pa si Winter at Keia?
“Susunod na lang daw si Avery,Sham at Flent.”
Napangiwi akong lumingon kay Axle.
Anong balak nilang gawin at dito pa sila kailangang magtipon tipon? May reunion lang? Bakit sa unit ko pa!?
“Have you all found the door? Then get lost.” I snapped at them irritably.
“Luh. Ganyan ka ba talaga sa mga bisita mo C.A? Itataboy mo kami ng ganun ganun lang? That's very unethical.” pagnguso pa ni Axle.
Pakiramdam ko'y unti unting umiinit ang ulo ko lalo. Hanggang kailan kaya kakayanin ng battery ko ang presensya nila rito?
“Kung ayaw n'yo, ako ang aalis.”
“Wait Bes, ito naman. Nakalimutan mo na bang may meeting tayo? Yung bilin ni Mrs. Hyun?” tamad kong binalingan si Ellie na lumapit na rin dito sa living room.
Napabuga na lang ako ng hangin. Kailangan kong piliting kumalma.
Mabilis na natapos ang tatlong araw na retreat. Sa tatlong araw na yun, napakaraming nangyari. Lahat sila kagaya namin ni Blaze na nanalo sa mga ibang activity sa nagdaang retreat.
Bukod pa roon, nakakausap ko na rin si Ellie. Pinangako n'yang hindi s'ya lalapit sa'kin madalas lalo na kapag school hours. Para kaming may sekretong relasyon na kailangang pasimple at patagong magusap at magkita. S'ya na lang daw minsan ang dadalaw sa'kin rito. Pero hindi ko naman inaasahang hindi lang s'ya ang magiging bisita ko sa araw na ‘to.
BINABASA MO ANG
The Elites
AksiyonCandid was never meant to be understood. She grew up hiding more than her face. Always hidden behind a mask and scarf, she became the kind of girl people feared without knowing why-quiet, cold, and dangerously unreadable. Some called her freak. Othe...
