♥CHAPTER TWENTY SEVEN♥

8 0 0
                                    

JOSHUA'S POV

========================

Ang ganda ganda nya.Sabi na nga ba't bagay sa kanya yung damit na yun eh.Alam ko maiirita lang sya sa dun sa damit pero sinubukan ko.

Alam ko din na ayaw nya sa mga make up.Ni pulbos nga di gumagamit yun eh! Kaya nga kanina na starstruck ako eh,kala ko si Nadine.

Kung sya si Nadine pwes ako naman si James! Hahaha,pero seryoso alam nyo bang twin ko yun si James Reid?? Isa yung malupit na secret.Wag kayong maingay dahil artista yun at balita ko crush yun ni Andrea! Letche baka maunahan pa ko nun!

Nakaka hurt hurt naman yun. Nakita ko syang namula eh! Tapos ide-deny nya pa.Kaya wala ganun talaga eh.

"Oo na,napaka in denial naman nito.I love you na nga lang tss!..."

At humarap na ko sa bintana ang sakit nun mga bregs eh. Pero ni katiting ba wala syang nararamdaman sakin??

"Eh di I love you too...."

Bulong nya pero bleeh! narinig ko hahaha! Yung lungkot ko kanina,nawala. This is the second time na sinabihan nya ko ng i love you.

Di ko na sinabi na "Anong sabi mo i love you too??" Kasi panigurado ganto lang ang isasagot nya "Luh?? Anong i love you too? Asa ka wala akong sinabi ah!"

Kaya nanahimik na lang ako at syempre dahil sa babaw din ng kaligayahan ko,di ko maiwasang ngumiti dahil sa sinabi nya.

At nakadating na rin kami ng Amusement Park.At ang prinsesa ko,ayun bagsak. Nakakatuwa talaga tong babaeng to HAHAHAHA XD

"Andrea.....wake up andito na tayo sa Park oh."

"Hmmm??? Ayaw ko inaantok pa ko eh..Zzzzzz"

"Gigising ka o hahalikan kita jan?? Choose...."

"Ano bang sabi ko?? Gising na gising na ko oh! Di na kaya ako inaantok hehe."

Kahit kelan talaga.Takot sa kiss ko.Bakit ganun ba maka mandag ang kiss ko at nakakamatay?? ^______^v

Bumaba na kami ng Limousine Well,syempre aalalayan ko itong prinsesa ko.Di naman kasi sya sanay sa heels. Puro pang basketball kasi ang mga sapatos nito,dinaig pa nga ako sa collection eh

May JORDAN,LEBRON,KOBE, KEVIN DURANT! Lahat ng klase meron sya.

"Bakit ka gumising akala ko ba inaantok ka pa ha??"

"Maraming namamatay sa akala,gusto mo patayin kita??"

"Wag naman,mamahalin mo pa kaya ako ^___^ Chaka papakasalan pa kita no!"

And again,nakita ko na namang namula sya.Hayy,mas lalo tuloy akong naiinlove sa babaeng to.

"Ewan ko sayo Kupal ka talaga.Tara na kain muna tayo gutom na ko eh ^___^"

Pumunta kami sa isang restaurant.As usual,ang dami naming in-order.Para kaming bibitayin eh.

"Hayy...busog na ko,uwi na tayo Joshua....."

"Hoy anong uwe?!! Gusto mo makatikim ng flying kick jan?? Di pa nga tayo nakaka pasyal eh! Chaka kaya inuna ko yang pagkain para ka kasi may alagang sawa eh.."

"Oo na! Eto naman init ng ulo pwede ng magpakulo ng tubig...Tara na nga!"

Lumabas na kami ng Resto. At ang second na pupuntahan namin ay ang Park na mismo. Grabe ang daming tao,may mga batang naglalaro.Meron ding mga mag shota.

"Ang ganda naman dito...."

"Mas maganda ka pa jan...."

"Ikaw napaka bolero mo! Haha tara na nga dun tayo."

Sabay pisil nya ng ilong ko.Ngayon ko nga lang sya nakitang ngumiti ng ganun eh.Hanggang ngayon naka cling parin ang kamay nya sa braso ko and i love it!

Naglaro kami ng See saw, ng Swing,ng Slide at iba pa. Grabe para syang bata. Tuwang tuwa sya.Ngayon lang siguro ulit kami nakapag laro ng ganito.DOTA na kasi ang madalas namin laruin eh.

Nang makaramdam kami ng pagod,umupo kami sa bench. Pagod kami pero ang saya.

"Whoo! Napagod ako dun ah pero okay lang enjoy naman. Ikaw okay ka lang???"

"O-oo naman! Nag enjoy din ako sobra.Buti naman at nag enjoy ka dito.Okay ka lang ba di ba naninikip yang dib dib mo??"

"Hmm...di naman okay lang ako no! Concern sya Haha!!"

"Oo na concern na kung concern.Eh sa mahal kita eh! Gusto mo ng ice cream?"

"Ah...eh...oo sige masarap yun! Bumalik ka agad ah??"

"Dito ka lang ha?? Wag kang aalis dito tanga ka pa naman mamaya mawala ka pa."

"Fvck you! Hahaha sige na!"

Palatawa sya ngayon ah? At chaka nung sinabihan ko sya ng Tanga di man lang sya nagalit?? epekto siguro yun ng gamot nya Hahaha!

Bumili na ko ng 4 na malaki ang size na ice cream.At syempre amin lang yun! ^__^

At bumalik na ko dun,nakita ko sya na nakangiti ang ganda ganda talaga nya.Sa oras na 'to anghel na talaga ang itsura nya.

"Oh bakit dalawa yan??"

"Paki mo?? Hahaha! joke lang syempre atin 'to tig dalawa tayo.Kahiya naman kasi jan sa alaga mo eh!"

"Talaga??!! Yeheyy!! Salamat Joshua,ang saya saya ko talaga ngayon! :)"

"Welcome kainin mo na mamaya magwala na yang alaga mo jan sa loob ^___^"

Nakikita ko sa kanya na para syang isang bata na ngayon lang nakatikim ng ice cream.

"Dahan dahan nga sa pagsubo tignan mo ang dungis mo na"

"Gumaya ka na lang!"

Pagtapos nun nilagyan nya ako ng ice cream sa pisngi. Sira ulo talaga tong babae na to! Ayun,hanggang sa di na namin kinain yung ice cream pinaglaruan na lang!

"Lumapit ka nga dito,tignan mo ang dungis mo na ikaw kasi mga kalokohan mo...."

"Alam mo Josh,ang sweet mo bagay ka maging......"

"Maging ano??"

"Maging tatay ko! Hahaha!!"

Aba at! Tignan mo nga naman ang saltek ng babaeng ito oo! Ang akala ko sasabihin nya "Bagay na maging Boyfriend ko." Pero ako as in mukhang tatay?? Wat da fuq?? Dahil dun binigyan ko sya ng death glare kainis!

"Oh oh! Chill ka lang Josh parang di ka naman mabiro eh.Pero seryoso ang sweet mo talaga promise!"

At dahil sa sinabi nya lahat ng inis ko nawala! Takteng yan,sa isang ganun nya lang wala! Tanggal lahat ng inis ko.

VOTE AND VOICE OUT YOUR COMMENTS GUYS! ^__^ XOXO♥

I'm Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon