ANDREA'S POV
=========================
Pagtapos kong tawagan si Josh medyo kumalma na ko.Ang tanga ko nga kanina eh,saan ko naman kaya napulot yung "papatayin nila ako." Siguro sa nabasa kong Special Section. Ang akala nya papatayin na talaga ako kaya sinabi nyang pupunta sya.Well sana nga miss ko na yung kupal na yun eh.
Nakaupo ako sa sofa nun nag CR yung alien.Pati pala alien marunong mag CR?? Tapos si Mommy naman pumunta ng kusina ewan ko kung anong gagawin dun.Hindi ko sila pinapansin bahala sila kanina pa sila pilit ng pilit na magpractice daw ako mag heels eh ayoko wala na silang magagawa.
"Andrea....magpractice ka na please?? Eto oh may cake akong kinuha sa ref...."
WOW! \\(^__^)// Cake machalap yun! Alam nyo naman hilig ko ang pagkain diba?? Kukuhanin ko na sana yung cake pero.....
"Hep hep! Di ko ibibigay sayo 'to ng hindi ka magpapractice!"
Letsugas! Akala ko sakin na yun eh T_T May kapalit pala and take NOTE yung pagpa-practice ang hininingi nilang kapalit.Mahal na mahal ko ang pagkain kaya ni minsan di ko natanggihan yun. Pero yung may kapalit?? Tapos ganun pa? Aba wag na lang! Marami akong pera papabili ako kay Daddy ng maraming food!
"Thanks but no thanks."
"YAYA!! WOULD YOU GET ME SOME KNIFE?? I FORGOT EH!"
Yung nagsabi nun?? Nanay ko. English ipis 'no?? Hahaha!! Walang wala sa english ko bleeh! Agad naman sumunod yung maid na inutusan nya.Ako? Pumikit na lang ako at humiga sa sofa para di mawasak ang puso ko habang nakikita silang kumain.Nakaka hurt hurt kaya alam nyo ba yun??
"Asan na ba yung maid na pinakuha ko ng kutsilyo?? Di na makapaghintay 'tong si Andrea oh hahahaha!!"
"Nako madir! Dapeyt tanggaleyn na yung mga ganyeyn ditey! Walang sense."
Nga pala nandito na ulit yung chakang bakla kanina na pinalayas ko.Kailangan daw nh pera nun kasi may cancer sa boobs.Naawa naman ako kaya pinayagan ko na.Chaka makasabi ng walang sense yung maid parang sya may sense tssk!!
"AHHHHHH!!!!!!!"
Napamulat ako ng dahil sa sigaw na yun.Takte sa sobrang lakas kala mo kinakatay eh.Yung isang bakla na kasi ang inutusan ni Mommy para kumuha ng knife.
"Hoy bakla,bakit ka ba sumisigaw?? Ang ingay mo!"
"Oo nga...para kang nakakita ng gwapo.Asan na yung knife na pinapakuha ko sayo???"
"Ah....eh...maam m-may nakita po akeng gwapeng fafa eh pero may hawak syang knifey..."
Ano daw nakakita ng pogi tapos may hawak na kutsilyo?? Sino naman yun?? Wala naman kami kami lang ang tao dito at yung guards sa labas ah! Hindi kaya....
"Sino naman yun yung gwardya sa labas?? Wala ka talagang taste bakla!"
"Hindi madam! Di ko sya kilala basta ang alam ko pogi sya!"
"Sino naman yun aber??"
"Ako."
Narinig ko ang isang pamilyar na pamilyar na boses.Bigla ding bumilis ang tibok ng puso ko. Namamalikmata ba ako?? Kasi parang imposible na makapunta sya dito.Naka bukas lang onti ang mata ko pero parang nakapikit pa din.
"J-josh????"
"Ano Tita?? Gulat ka? Bakit mo papatayin ang sarili mong anak akala ko ba mahal mo sya?"
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bestfriend
Teen FictionSabi nila masarap magkaroon ng BESTFRIEND.Dahil ito yung kaisa isang tao na magmamahal,magaalaga sayo ng totoo. Isang babaeng nagngangalang Andrea Angeles.Babaeng galit sa mga lalaki pusong bato at boyish.Then she met the son of the business partner...