ANDREA'S POV
========================
Nang hilingin nya na kantahan ko sya pumayag ako.Yun lang naman kasi ang naisip kong Peace Offering sa kanya.Chaka para bang trip ko kumanta.Wish You Were Here talaga ang pinili kong kanta kasi bagay sa sitwasyon namin ngayon.
Kahit isang araw pa lang syang wala sa tabi ko hinihiling ko na sana andito sya sa tabi ko.Para bang kahit isang segundo di ko kayang wala sya sa tabi ko? Pero kailangan eh,sira ulo yung Mommy ko na di sinabi na dahil pala sa school kaya umalis sila.
Nako! Kung di ko lang talaga Nanay yun?? Baka nabugbog ko na sa inis.Sabi nya kasi dahil daw sakin kaya umalis sila Josh eh hindi naman pala.
Pagtapos nun,kumain na ko ng tanghalian.Gutom na gutom ko,di nga kasi ako kumain ng breakfast diba?? Then ginawa ko na yung daily routine ko,naligo nagbihis.Pero syempre naninibago ako sa sinusuot ko.Pang-babae na kaya sya!
Pero iniisip ko na darating ang araw masasanay na rin ako.Wala akong magawa kaya bumaba ako,nakita ko si Mommy nasa sala nanunuod + may hawak pang popcorn.Ano to sinehan lang yun bahay namin?? Tss! Kakairita.
"Oh ganda ni Andrea ah! Bagay na bagay pala sayo ang mga damit pang babae eh! Gumanda ka lalo..."
"Whatever!"
"Sungit naman nito.Halika nga ditong bata ka!"
Lumapit ako sa kanya. Aaminin ko hindi kami ganun ka close ni Mommy.Daddy's girl po kaya ako.Hindi rin kami masyado nakakapag bonding,kaya kahit lagi ko syang kasama namimiss ko sya :( Malambing naman ako di ko lang pinapahalata.
"I miss you Mmy...."
"Miss ka jan! Diba dapat sa Daddy mo yan sinasabi?? Eh baket sakin lagi naman tayong magkasama..."
"Nope.I really miss you Mommy.Kahit na lagi kitang kasama,namimiss kita.Siguro kasi di tayo nakakapag bonding ganun??"
"Ah...i miss you too baby girl!! Pa hug nga si Mommy sa baby girl koo!!"
"Mmy hindi na ko baby!!!"
Sabay tawa naming pareho. Ang sarap pala sa pakiramdam na close ka sa mga magulang no?? Mas masarap pa kesa sa pagkain.
Pero hindi ako madramang tao pero di ko alam kung bakit ko nasabi to sa Mommy ko I hate dramas you know??
"Mmy...di ka ba naiinis or nagagalit sakin??"
"Ha?? Bakit naman??"
"Eh kasi...lagi kitang sinasagot...hindi ako nagpo po at opo.Do you think I didn't respect you two??"
"Ano ka ba,syempre hindi bakit naman namin iisipin yun?? We understand that. Di ka showy anak,pati nga kay Josh diba?? Samin pa kaya?? Ang turing mo samin ay parang tropa lang so okay na rin yun."
"Sorry Mommy...basta always remember You and Daddy I love you very very much!"
"Nako,ang anak ko nagiging sweet ah?? Dahil ba sa nanliligaw na si Joshua??"
Hala?? Paano nya nalaman yun?? Eh sa pagkakaalam ko kami palang ni Joshua ang may alam nun ah! o.o
"P-paano mo nalaman??"
"Hahaha! Akala ko ide-deny mo pa eh.Bago pa man sya manligaw sayo,nagpaalam muna sya samin ng Daddy mo"
"Ah kaya pala ang lakas ng loob ng gago..."
Sabay tingin ko sa ibang direksyon.Para bang inirapan ko si Mommy??
"Pero hindi ka ba masaya at nililigawan ka nya??"
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bestfriend
Teen FictionSabi nila masarap magkaroon ng BESTFRIEND.Dahil ito yung kaisa isang tao na magmamahal,magaalaga sayo ng totoo. Isang babaeng nagngangalang Andrea Angeles.Babaeng galit sa mga lalaki pusong bato at boyish.Then she met the son of the business partner...