ANDREA'S POV
===========================
Nakakainis naman! Kinilig ako dahil dun sa BABE thingy na yun.At isa pa tong gagong to na alam kong nantitrip na naman.Alam na nyang kinikilig ako nang aasar pa diba kainis?? >__<
At may inabot naman syang papel sakin,sagutan ko daw. Ano na naman katangahan to? But I can't handle it! I'm going to laugh but i control myself.Lalo na't alam ko na seryoso sya...
Nang makita ko yung mga choices,putapete naman eh wala namang pinagbago eh! Ganun pa din.Mautak talaga tong gago na 'to oo! -___-
"Sa tingin mo ba may choices pa ko?? Eh ganun pa din naman yung sagot eh!"
"Hoy wag ka ngang tanga! Kita mo tanga ka din meant to be talaga tayo tss!"
"Meant to be meant to be ulul ba't di mo pagamot??"
GRABE!! AYAN CAPSLOCK NA KASI KANINA PA KO BWISET NA BWISET! EH ANG LAKAS BA NAMANG MANG ASAR NG GAGONG 'TO DI KA MAASAR?? KAHIT GAANO PA KAHABA ANG PASENSYA MO MAUUBOS NG DAHIL SA KUPAL NA TO EH!
"Hoy KUPAL seryoso ka ba?? Kasi ako seryoso ako! Puta wala naman akong choices eh! Pare-parehas sila!"
"Seryoso ako Andrea.May choices ka jan,anong tawag mo jan sa ABC??"
"Malamang letter gago!"
Sige ako na ang corny T*NG YNA LUNGS! Putcha sige tumawa kayo makapusan sana kayo ng hininga jan letche!
"Nagtatanong ka kung seryoso ako tapos ngayon ikaw ganyan?? seryoso ka na ng lagay na yan Andrea??"
"Eh bobo ka pala! Ano ba sa tingin mo ang tawag sa ABC natural letters! Wag mo ko igaya sayo tanga!"
"Seryoso ka nga.Di ngayon ang oras para mangbara Andrea...seryoso ako at di nakikipaglaro sayo.Kasi seryosong bagay ang pinag uusapan dito...yun ay ang pagmamahal ko kaya sana seryosohin mo..."
0.0 What do I feel right now?? SPEECHLESS! Ngayon ko lang sya nakitang ganun kaseryoso.Yun ang bagong side ng Joshua ang nakita ko.Huminto na ang kotse at bigla na syang bumaba.
Siguro hindi maganda ang biro kong yun.Sa tingin ko pinaglalaruan ko ang feelings nya para sakin.. Di ko rin sya masisi eh, ikaw ba naman ang paglaruan ng taong mahal mo matutuwa ka ba?? I don't think so.
Maraming beses ko na syang pinaglaruan.Maraming beses ko na rin syang sinaktan.
"Wag ka ng tumunganga jan. Walang JOSHUAng magbubuhat sayo.Maraming katulong sa loob magpabuhat ka sa kanila kung gusto mo..."
Yun na yung pinaka HARSH na sinabi nya sakin.Grabe ang sakit ah? Parang winasak ang puso ko.Sa kanya mismo nanggaling eh kaya sobrang sakit.
Yan na din ang pinaka COLD nyang ginawa sakin.Ang sakit lang talaga eh.Yung feeling na ikaw yung nananakit pero MAS nasasaktan ka kesa sa kanya T*NG YNA LUNGS! >___<
Bumaba na ko at nagpaalalay sa driver papasok ng bahay. Wala na sya ng makapasok ako,siguro umakyat na para di na maalibadbaran pa sa mukha ko.
"Andrea what happened??"
"Nothing.I'm tired call my doctor,I want to sleep na."
Dumiretso na ko paakyat. Pagka-akyat ko,nakita ko sya.Nagtama ang mga mata namin pero naalis din agad. Bago pa ko tuluyang makapasok sa kwarto ko may sinabi sya....
"Magpahinga ka na.Itapon mo na lang yung papel na binigay ko sayo kanina its only a TRASH good night."
Habang sinasabi nya yun di ko mapigilang maiyak.Ngayon nagi-guilty ako?? Tanga ko kasi sobra.Nakatalikod sya ng sinasabi nya yun.Kaya sa tingin ko di nya nakita ang pag patak ng mga putapeteng luha ko.
Pumasok na ko sa kwarto ko at ilang sandali pa ay pumasok na ang doctor ko at binigay na ang gamot ko.Dun na ko nawalan ng malay...
JOSHUA'S POV
===========================Nakakainis! Naiinis ako sa sarili ko.Bakit ko ba nasabi sa kanya yun?? OO tao lang din ako,napapagod din.Masakit para sakin ang pagiging harsh ko sa kanya.
Alam ko na nagulat sya sa sinabi ko pero....sobra na kasi eh! Sobra na nyang pinaglalaruan ang feelings ko.Pero kahit na ganun nasasaktan pa din ako!!
My god Josh! It was a joke! Nyeta yun nga eh! JOKE lang pero JOKE na nakakasakit..
"Magpahinga ka na.Itapon mo na lang yung papel na binigay ko sayo kanina its only a TRASH good night."
Nang sinabi ko yan,para namang dinudurog ang puso ko.At ng sinabi ko yun.... nakita ko...nakita ko na may tumulong tubig mula sa mata nya.Puta kasalanan ko na naman letche!
Dahil sa bored ako I decide na pumunta sa kwarto nya. Alam ko din namang tulog na sya kasi bukas ang pinto kanina nung in-inject sa kanya yung gamot nya.Pero di nya ako nakita.Pag pasok ko,napansin ko ang mugto nyang mga mata.
And ageyn...ITS MY FAULT!
Tinabihan ko sya sa kama. Queen size naman ang bed nya kasi malikot sya matulog kaya ganun kalaki.
"Sorry....."
"I didn't mean that...I was just HURT.Nasaktan ako,pero kahit ganun...mahal na mahal kita Andrea Veronica"
Ang ganda nya talaga kahit saang angle tignan.Tulog na tulog sya,ako naman pinaglalaruan ang mahaba nyang buhok.She's wearing girl clothes.Lahat kasi ng mga damit nyang panlalaki pinatapon ko na kanina.
I want to change her into a real girl...Pero yung mga collection nya ng mga sapatos andito pa din...
"I'm going to leave you for once Andrea...tomorrow is our flight going back to the Philippines.."
Sorry naman kung english ako ng english ha??!! Mga bobo kayo natural nasa US ako >__< Sa panahon ngayon di na nawalan ng bobo.And yes! Tama kayo ng basa... aalis ko pabalik ng Phils.
Sa kadahilanang di ko na sya mahal..pero joke lang yun mga pre! Masyado kong mahal na mahal ang babaeng to kahit pinagtitripan lang ako.Hindi kasi aayusin ko na yung mga papers ko sa school.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Dito na ko mag aaral kasama ni Andrea.Para naman mabantayan ko sya no! Mamaya magpaligaw to ng wala ako dito mahirap na...
"Pero promise....babalik ako di ko ata kayang iwanan ang magandang PRINSESA KO."
Pero i think tatapusin ko muna ang grade 10 ko.Yun kasi ang sabi sakin ni Mommy.Sayang naman daw kasi kung ilang buwan na lang di ko pa tatapusin eh.
Tapos Grade 11 dito na ko magaaral sa US.Konting tiis lang yun,2 months?? Tss! Yakang yaka yun kung pag tapos nun kasama ko na sya. Medyo mahirap pero I need to sacrifice my happiness.
"Good night PRINSESA KO Mahal na mahal kita......"
Pagkatapos kong sabihin lahat yun,hinalikan ko sya sa NOO.At chaka tuluyang lumabas ng kwarto nya. Ngayon pa lang mamimiss ko na sya.
VOTE AND VOICE OUT YOUR COMMENTS GUYS! ^__^ XOXO♥
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bestfriend
Teen FictionSabi nila masarap magkaroon ng BESTFRIEND.Dahil ito yung kaisa isang tao na magmamahal,magaalaga sayo ng totoo. Isang babaeng nagngangalang Andrea Angeles.Babaeng galit sa mga lalaki pusong bato at boyish.Then she met the son of the business partner...