ANDREA'S POV
==========================
TOMORROW morning at gising na ko.Grabe I feel so TIRED di ko alam kung bakit pero yun ang feeling ko.Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at inayos ang kama ko *o*
May mga maid kami pero di naman ako ganun katamad para ipaayos pa sa maid ang kama ko.Although minsan pag tinatamad talaga ko ^___^v
Di ko parin malimutan ang nangyari kagabi.And then suddenly,nakaramdam na naman ako ng sakit.This is the first time na nag away kami ng nagiisa kong BESTFRIEND.
Grabe nga naman kasi ako. Sino bang hindi masasaktan kapag pinaglalaruan yung feelings nila?? I think ako?? Kasi manhid ako.Kahit pa sabihin nyong ramdam ko na may nagmamahal sakin pero ako? Di ko maiparamdam na mahal ko din sila.
Tama na nga ang drama!! Mga letche kayo,masaya na naman kayo kasi di ko kayo maasar ligtas na naman kayo sa pang babara ko >__< Nang matapos ko ng ayusin ang kama ko,nakita ko ang isang sticky note sa side table ng kama ko.Agad ko naman itong kinuha at binasa:
I'M GOING TO LEAVE,BUT I'LL BE BACK SOON TAKE CARE.
- KUPAL (JOSHUA)
"U-umalis sya??"
Pabulong kong nasabi sa sarili ko.Iniwan nya ako. Natural galit sya sakin eh! Kung nung una,ako ang nang iwan sa kanya pwes ngayon sya naman.Tama,masakit sa pakiramdam ang maiwan...
Putcha naiiyak ako! Bakit ganito?? Pinunasan ko ang putapeteng luha na pumatak sa pisngi ko at tinago ang sulat nya.Pagtapos nun ay bumaba ako ng matamlay.
Nakita ko si Mommy nasa may dining table,kumakain.Alam nya kaya?? Haist! Bahala na nga lang.Galit sya sakin kaya sya umalis.Saan kaya sya nagpunta?? Bumalik ng Pilipinas?? EWAN LETCHE -_-
"Good morning Deng!"
"What's good in the morning ha Mommy?? Nothing..."
"Ang sama siguro ng gising mo kaya ganyan ka..by the way umalis na sila Tita mo"
"I know..."
"Ahm okay...pero magka-away ba kayo ni Joshua ha??"
Natahimik ako dun..anong isasagot ko?? Sasabihin ko Oo kasi pinaglalaruan ko yung feelings ni Josh?? Sesermonan lang ako nito. Pag sinabi ko namang hindi, for sure magi-guilty ako kasi I lied...
"Ahm......yeah we are."
"Kaya pala! tssk tssk!"
Problema nito?? Hay nako ang Mommy ko nasisiraan na naman ng bait juice colored patawarin nawa! Bakit ba ganito ang Mommy ko?? T^T
"Bakit anong meron??"
"Eh kasi po....dapat sa Saturday pa ang uwi nila pero kagabi daw nagaya na si Joshua na umuwi ngayon. Siguro ang rason....ikaw."
Ako? Oo tama ako.Baliw kasi ako eh.Pero promise ko na talaga pag bumalik sya aamin na ko sa feelings ko for him no more LIES.
"Aakyat na ko...wala akong gana kumain ngayon."
"Pero kailangan mong kumain alam mo bang breakfast is the most important meal in a day Andrea Veronica???"
"I.Dont.Care"
Umakyat na ko ng hagdan. Sanay na siguro sya na lagi ko syang ginaganun.Siguro ang tingin nyo sakin BASTOS pero pakialam ko?? Isipin nyo kung ano gusto nyong isipin basta ako,walang pake sa iniisip nyo...
Pag pasok ko sa kwarto ko wala akong magawa.Napaka BORING naman dito.Boring kasi wala akong dalang libro para mabasa.Humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame.
Ano kaya kung Boyfriend ko na si Joshua ngayon??
Ano kaya kung umamin na ko sa kanya simula nung minahal nya ko??
Magiging masaya kaya kami??
Kaya lang naman ako di umaamin sa kanya kasi ang alam ko MAS nagtatagal ang pagkakaibigan kesa sa pagiging mag boyfriend at girlfriend.Bakit ako ganun? Pinapangunahan ko ang destiny.Masyado akong nagmamarunong kahit di naman dapat.NBSB ako diba??
Ano ba magandang gawing libangan?? Hmmm...mag open kaya ako ng FB?? May pocket wifi naman ako for my iphone eh.Tama,pampalipas din ng oras ang Facebook.
Pagkabukas ko,ang daming notifs halos sumabog na!! 143 lang naman jusmiyo, ilang araw lang ba ko di nag open 2-3 day ata?? Ano ba to?? Artista lang?? Sabagay ang ganda ko naman eh.
At 511 na friend requests. Mga walang kwentang tao lang yang mga naga-add sakin kaya wala akong pake. Sa message naman,43 lang naman.Nung in-open ko may message ng mga walang kwentang lalaki na patay na patay sakin tss! >__< Yuck!
Tapos yung iba naman galing sa mga fans ko sa school. Oo may fans ako pero di ako artista! Mga babae sila ewan ko ba dun kung ano nagustuhan sakin ng mga yun although wala akong pakilam sa kanila eversince.
Tinignan ko ang chats.At open sya.Teka anong oras na ba?? 9:32 am.Eh alternate ang oras dito kesa dun so 9:32 pm na sa kanila! Bakit kaya gising pa tong kupal na to??
I-chat ko kaya sya??
Kaso mo,galit sya sakin at hindi nya rin ako rereplyan Wag na lang siguro.Magla-log out na sana ako ng may nag message sakin at yun ang labis na kinagulat ko.
⇨Andrea.....
Shit! Chinat nya ko jusmiyo pero di ko pa sure kung galit pa din ba sya sakin o ano.
Joshua sorry :( ⇦
Yun agad ang tinype ng mga daliri ko.Alam ko naman kasi na nasaktan ko sya eh.
⇨ Tss,okay lang yun...
Okay lang yun?? Takte eh para nga syang yelo sa Alaska dahil sa pagka COLD nya eh!
Okay tapos galit ka?? ⇦
⇨ Hindi ah! Baliw.. Sige na off na ko tawag na lang ako sa cp mo babye!! ♥
Bigla na syang nag off.Ang bilis ah? At syempre nag off na din ako.Pagka off na pagka off ko may nag flash agad sa screen OuO
(Joshua ♥♥ calling)
Pagkaring na pagka ring nito ay sinagot ko na agad.
"OH??"
"BILIS AH! WALA PANG DALAWANG RING SAGOT NA AGAD NAMISS MO AGAD AKO?? HAHA"
"KAPAL NG MUKHA MO..."
"PERO JOSH SERYOSO...GALIT KA SAKIN HINDI BA??"
"HINDI NGA ANG KULIT MO RIN EH NO?? ILANG BESES KA BA INIRE NI TITA AT GANYAN KA KAKULIT??"
"HINDI DAW GALIT PERO INIWAN AKO TSS..."
Bulong ko,sana hindi nya narinig kung ano man ang nasabi ko.Fil-Am pa naman tong kupal na to hindi ba??
VOTE AND VOICE OUT YOUR COMMENTS GUYS! ^__^ XOXO♥
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With My Bestfriend
Teen FictionSabi nila masarap magkaroon ng BESTFRIEND.Dahil ito yung kaisa isang tao na magmamahal,magaalaga sayo ng totoo. Isang babaeng nagngangalang Andrea Angeles.Babaeng galit sa mga lalaki pusong bato at boyish.Then she met the son of the business partner...