ANG PAGSAPIT NG PAGSUBOK AT HINDI ALAM
DARATING NALANG MINSAN NASA KALIGAYAHAN
MGA ORAS NA KASAMA TILA PUMAILALANG
ANG KASIYAHAN NADARAMA'Y DAGLIANG NAPALITAN...MALAYANG PAGLIPAD AY HUWAG MONG GAMBALAIN
SA MALAWAK NA KALAWAKAN ATING DAMHIN
ANG KAGANDAHAN NG LIKAS NA YAMAN AT SARIWANG HANGIN
AT ANG KALIGAYAHAN NG ATING BUHAY AY DAPAT NG GAWIN...PASAKIT AT KARAMDAMAN BAKIT KA NANDYAN?
BAKIT SA AKING KATAWAN IKA'Y PUMISAN?
HINAHATULAN ITONG AKING IISANG BUHAY
NAGING PATLANG KA SA MUNTI KONG KASIYAHAN...LUMUHA AKO SA BIGLAANG PAGSUBOK
TILA PUSO KO'Y NAGATO AT NAGAPOK
NALUSAW ANG AKING KATAPANGAN
HAGULHOL ANG NAGAWA AT NAPASIGAW...HUWAG ANG AKING PINAKAMAMAHAL
MABUTI PA ITO NALANG AKING BUHAY
IPAPALIT KO O DIOS NA MAKAPANGYARIHAN
ANG AKING HILING AY GANAP NA KAGALINGAN ...IMT