Tula 11

54 1 0
                                    

TILA MAYROON SINASABI ANG PUNONG KAWAYAN
AGIT-IT N'YA AY ABOT SA KABILANG DAAN
HUNI NG IBON NA LAGING NAG-IISA
MAPAPALUHA KA KUNG MAPAPAKINGGAN MO S'YA...

HANGIN BAKIT IKAW AY NAWAWALA?
SA PALIGID KO AY INIT ANG NADARAMA
UHAW SA TUBIG NG KALANGITAN
KAILAN KA PAPATAK O MALAMIG NA ULAN?...

ANG AKING KAPATID INA AT AMA
LUMISAN - SILA NGAYON AY MAGKAKASAMA
SA KABILA NG LAHAT NG PANGYAYARI
HINDI KO MASASABI KUNG BUHAY AY MASAYA O KAWILI-WILI...

KAY DAMI NANG BUNDOK ANG AKING NAAKYAT
AT ANG BUHAY NGA DOON AY SADYANG PAYAK
TILA MAABOT KO NA ANG ALAPAAP
ANG LANGIT NA AKING PINAPANGARAP...

NGAYON AKO'Y LAGING NAG-IISA
KATULAD NG IBONG NAKADAPO SA SANGA
PAKINGGAN MO ANG AKING MUSIKA
PAPASOK ITO SA PUSO MO AT MAPAPALUHA KA...

IMT

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

1000 Tula ni I.M.TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon