Tula 10

55 2 0
                                    

KABATAAN IMULAT MO ANG IYONG ISIPAN SA TAMANG PAMUMUHAY
HUWAG MADALIIN ANG PAGGAWA NG MAAYOS AT MAGANDANG TAHANAN
PAG-ISIPAN MABUTING AT GUMAMIT NG TAMANG PANANAW
GAMITIN NG TAMANG SANGKAP UPANG MAGING MATATAG SA ANUMANG PAGSUBOK NITONG BUHAY...

LUMAKAD KA SA TAMANG LANDASIN
MGA MALING SABI NG IBA'Y HUWAG DINGGIN
KUNG MAY MAPUPULOT KANG ARAL SA IYONG PAGLALAKBAY
KUNIN MO AT ITANIM  SA PUSO AT SA IYONG ISIPAN...

PANALANGIN ANG MABISANG PANANGGA
MABUTING ARAL ANG MAGING SANDATA
DITO SA ATING DAIGDIG NA PUNO NG PAGNANASA
KASALANAN AT TUKSO DAGLIANG LIGAYA...

HUWAG PATATANGAY SA MATATAMIS NILANG LABI
PAGKUTYA AT PALIHIM NILANG NGITI
GANTIHAN NG KABUTIHAN ANG LAHAT NILANG KASAMAAN
PANGHAWAKAN MO ANG MGA SALITA NG ATING MAY KAPAL...

TANDAAN MO MINSAN SA ATING PAMUMUHAY
NAGAGATO ANG ATING TUHOD SA PAGLALAKBAY
KAPAG HINDI NA MAKAKAYA HUWAG PABUBUWAL
MANALANGIN LANG LAGI - SA DIOS NA DAKILA AT BANAL...

IMT

1000 Tula ni I.M.TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon