HINDI MO BA MAUNAWAAN ANG KABULUHAN NG IYONG BUHAY?
DITO SA DAIGDIG NA KAY GULO AT KAY DAMING HIDWAAN
NAPAKA SIMPLENG AWAY AABOT SA KAMATAYAN
HINDI MAGKAINTINDIHAN DAHIL HINDI NAGBIBIGAYAN...NATATANDAAN MO PA BA ANG KUWENTO SA BIBLIYA?
"ISANG MAYAMANG TAO ANG WALANG KASIYAHAN
NILIBOT AT PINUNTAHAN ANG IBA'T-IBANG LUGAR
MARATING LAMANG ANG KANYANG INAASAM...INAKYAT ANG KABUNDUKAN PARA ITLOG NG AGILA'Y MAMASDAN
SUBALIT HINDI SAPAT ANG LIGAYANG NARARAMDAMAN
AT ISANG PERLAS ANG KANYANG NAKITA
IPINAGPALIT ANG LAHAT NG KAYAMANAN N'YA"...HUWAG MONG IPAGPALIT SA ANUMANG YAMAN ANG IYONG KALIGAYAHAN
KAHIT TUYO O ASIN PA ANG INYONG ULAM
ANG MAHALAGA SAMA-SAMA KAYO NAGMAMAHALAN
KAPILING ANG ISA'T-ISA AT SAMA-SAMA SA HAPAG KAINAN...MADAMI NA ANG LUMISAN NA MAYAYAMAN
MATATALINO AT KILALA SA LIPUNAN
NASABI BA NILA NA GANAP NA KALIGAYAHAN AY NAKAMTAN?SANA IYONG MAUNAWAAN ANG KAHULUGAN NG BUHAY
HINDI YAN SA MATERYAL NA BAGAY O ANUMANG KAYAMANAN NA NAGNININGNING AT MAKULAY..IMT