Tula 7

65 2 0
                                    

HINDI KO MATAGPUAN ANG TUNAY NA LAGUSAN
NAKULONG AKO SA KUWEBA NG KARIMLAN
NAKAKATAKOT AT PARANG WALANG KATAPUSAN
ANG AKING PANGANGAMBA NA NARARAMDAMAN...

IKAW ANG AKING PAG-ASA- NITONG AKING BUHAY NA NAG-IISA
MAHIRAP ANG MAGLAKBAY NANG WALANG KASAMA
NANGHIHINA ANG KATAWAN AT NANGLALABO ANG AKING MATA
NAIS KO ANG LIWANAG MO ANG AKING MAKITA...

WALA NA BANG KABULUHAN ANG AKING BUHAY
KUNG LIWANAG SA AKIN AY PINAGKAITAN
NABIBIGATAN SA MGA PAGSUBOK NA PASAN-PASAN
PAWIS NA LUMALABAS PAIT ANG NALALASAHAN...

AKO AY TULUNGAN MO AKING PANGINOON
HANGUIN MO SA PUTIK AT SA PAGKAKABAON
MGA KASALANAN KO AY IYONG PATAWARIN
NANINIKLUHOD AKO AT NAGPAPAKUMBABA SA IYO AY NANALANGIN...

AKIN INAAMIN ANG LAHAT KONG KASALANAN
PAGKAKAMALI KO SANA IYONG MAUNAWAAN
AKO AY SUMASAMO LUBOS NA KAAWAAN
PATAWARIN MO ANG LAHAT-LAHAT KONG MGA KASALANAN...

PATAWAD PO PANGINOON HESUS
PATAWARIN N'YO PO AKO..
AKO PO AY NAGKASALA...
AKO PO AY NAGKAMALI...

IMT

1000 Tula ni I.M.TTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon