PAANO NA?

3 0 0
                                    

ANG HIRAP

Iniiwasang tumingin sa iyong mga mata
Hindi hinahayaang mahulog muli at magpaka tanga
Bakit ang hirap burahin ng aking nadarama
Muli naman bang nahulog sa iyong patibong sinta?

Pinipigilang ngumiti tuwing nagtatagpo ang ating mga mata
Nagpapanggap na galit tuwing tinutukso tayong dalawa
Namumula ang pisngi madinig lang ang pangalan mo
Hay naku ako'y nahulog ng malalim sa maling tao

Naguguluhan kung ititigil naba ang pagtingin sayo
O ipaglalaban ko kahit mali at hindi mo ako gusto
Ang magmahal ng taong importante sayo
Ang hirap mahalin kung ito'y kaibigan mo

Hirap pumili kung pagkakaibigan o ang pagmamahal sayo
Pagod narin akong umasa at masaktan
Pagod ng maghintay na muli tayong magpansinan
Bahala na kung saan dadalhin ng dinadaanan

Tulang Para SayoWhere stories live. Discover now