Nararamdaman

4 0 0
                                    

Hirap pilitin ang sarili sa taong hindi ka sigurado kung gusto kaba talaga
Pilit ngumingiti kahit ang sakit-sakit na
Di ko naman pinili na masaktan at magpakatanga
Pilit lumalaban dahil kahit anumang oras susuko na

Hinihintay ang araw na muli kitang masilayan
Corny man pero ikaw ang bumubuhay sa madilim kung kasalukuyan
Pinagmamasdan kalang kahit sa iba nakatingin
Ibang taong,nagsilsilbing ilaw sa iyong sariling dilim

Nakangiti man kung ako'y iyong tingnan
Masaya palagi kapag iyong pagmamasdan
Parating nagbibiro pawang walang pinagdada-anan
Pasensiya magaling lang talaga akong magtago ng totoong nararamdaman

Ngumingiti sa harapan ninyo
Grabeng pighati kapag nakatalikod kayo
Lalaban ng mag-isa,kakayanin ko ito
Paki-sabi sa kanya,siya parin ang mundo ko


Tulang Para SayoWhere stories live. Discover now