Patuloy

2 0 0
                                    

Simpleng tula parating inaalay para sayo
Ipinapahayag ang nararamdaman mula't simula hanggang dulo
Na kahit nasasaktan na,ikaw parin ang laman ng puso ko
Ikaw parin ang sinisigaw kahit ikaw ang nagwasak nito

Hahayaan palagi ang mga luhang gustong kumawala
Di alam kung anong nagyari sa sarili,baliw na nga kaya?
Hahayaan ko ang sarili ko na magmakaawa
Pipilitin na lumaban bago magparaya

Aking pinaglalaban,ang nakaraan
Pinagdadasal na maibabalik pa ito sa kasalukuyan
Aking pagmamahal sayo di kukupas hanggang kamatayan
Buong puso inaalay ang sarili simula pa man

Aking sinisinta,aking buhay
Magpakailan man iibig ng walang humpay
Mawasak man ang puso sa kahihintay
Di magsisi na nagmahal ng walang kapantay


Tulang Para SayoWhere stories live. Discover now