Kulang Pa Ba Ako?
Ang sarap balikan,mga araw na nagdaan
Oras na matatag pa ang ating samahan
Mga araw na di mo pa ako nasasaktan
Mga sandali na naging masaya ako ng panandalianPalaging nasa isip totoo ba talaga ang pinakita mo
Totoo ba na minahal mo talaga ako
Totoo ba yung mga sinabi mong mahal kita
At ang mas malala galing ba sa puso ang iyong nadarama?Siguro hindi talaga ako sapat para sayo
Kulang pa ako na hindi mo makita sakin ang gusto mo
Oo pangit ako pero buong puso akong nagmamahal kahit walang kasiguraduhan
Buong puso kitang minahal kahit sa huli ako rin naman ang masasaktanAng sakit lang talagang isipin na umasa ako sa sayo
Na yung akala ko meron pero sadyang wala
Yung akala ko pwedeng maging tayo pero nauwi sa sorry kaibigan lang turing ko sayo
Ayaw mo sakin dahil mas minahal mo siya tama ako diba? Pero hindi maitanggi na muli akong nagpakatanga