Ang Saya
Bakit ang hirap ibalik ang dating tayo
Di ko na alam kung anong gagawin ko
Di na kita kilala,hindi na ikaw ang kaibigan ko
Nagbago kana,kilala mo pa ba ako?Naging masaya ako ng panandalian noong araw na iyon
Di inaakala na hanggang doon nalang
Pagsapit ng umaga bumalik ang dating pakikitungo natin sa isa't-isa
Ganito ba ang gusto mo o gusto mo ding bumalik
ang masasayang nakaraan nating dalawaNasasayangan sa mga ala-alang binuo nating magkasama
Hindi ka kayang tingnan lalo na kung may kasamang iba
Sumasakit ang puso kapag may naaalala
Kahit kaibigan lang mahal na mahal kitaTayong dalawa hindi itinadhana sa isa't-isa
Husto nalang balik-balikan ang mga nagdaang ala-ala
Babalik-balikan ko pa nga ba ang ala-ala kung ang taong kasama ay wala na?
Pagdating ng huli ako rin naman ang masasaktan at magpaparaya