HIRAP MAHAL!
Bakit hindi makatingin ng deretso sa iyong mga mata
Hindi makapagsalita ng maayos kapag ikaw ang kasama
Bakit parang nilalayo kuna talaga ang sarili ko sayo
Dito nalang ba hihinto ang istoryang bida tayo?Yung tipong magsasalita naku pero kakabahan nalang bigla-bigla
Nagdadalawang isip kung gagawa ng nakakatawa
Kinakabahan dahil di ko alam kung nakatingin ka
Lalayo nalang bigla upang di magtagpo ang ating mga mataPinagmamasdan ka nalang sa malayo
Binabantayan ang bawat sandaling tumingin ka sa gawi ko
Nagpapanggap na walang paki kapag nagkakatinginan tayo
Pero yung totoo deep inside nagkukumahog na ang puso kong itoNakakaselos na tingnan kang napapasaya ng iba
Nasasaktan dahil dati ako ang kasama sa saya
Kasama sa mga walang kwentang pinagtatawanan nating dalawa
Ngayong hustong nalang kitang makitang masaya kahit di na ako ang dahilan sinta