Awakening

19 1 0
                                    

Madilim at wala akong masiyadong nakikita, kailangan ko pa munang mag-adjust sa aking paligid hanggang sa may kaunting ilaw na aking nakikita, may pumasok mula sa isang pinto na batang babae, nasisiguro kong batang babae nga ito dahil sa liit ng katawan niya at sa kaniyang damit, bigla siyang nagsalita na nasa pinto parin at nakatayo ng tuwid.

" Tanya! Tanya! Wake up and  let's play already!" napaka tamis ng kaniyang boses at kahit na 'di ko masiyadong maaninag ang kaniyang mukha ay alam ko'ng nakangiti ang batang ito, nakakapagtaka lang dahil pangalan ko ang tinatawag niya.

Nakikita niya kaya ako?

"Hmm. I'm still sleepy."  laking gulat ko na lamang nang marinig ko ang isang pamilyar na boses babae sa akong likuran... batang babae... at magka boses kami.

Nasapo ko ang aking ulo, nahihilo ako.

Bigla ay tumakbo ang batang kaharap ko at nilampasan ako, sa aking pagharap ay may hinihila na siyang paa ng isang bata na nasa ibabaw ng kama.

Alam kong ang paa ng batang 'yon ay ang mga paa ng tinatawag niyang Tanya.

"Nicole stop pulling me out of my bed!" kahit na naiirita na ito ay hindi parin siya tinantanan

Masiyadong makulit ang batang si Nicole kaya wala nang magawa ang batang si Tanya kundi ang bumangon sa kaniyang higaan.

Nag e-echo ang mga boses nilang dalawa dito sa buong lugar.

Masiyadong nakakapagtaka ang  mga nangyayari sa akin ngayon, wala akong naaalalang ganitong pangyayari sa aking buhay, maski ang mga batang nasa aking harapan ay 'di ko natatandaan o naaalala man lang.

The Separated DescendantsWhere stories live. Discover now