Chapter Two

9 1 0
                                    

Tanya's POV.

ILANG ARAW nang natutulog itong babaing 'to at hanggang ngayon ay 'di parin siya nagigising, naiinip na akong maghintay na magising siya at tanongin siya kung anong nangyari sa kaniya, at bakit siya nawalan nang malay malapit sa ilog.

Nakakabagot ang mag hintay, bakit ko nga ba kasi naisipang tulungan ito?

E kung buhusan kaya kita ng tubig sa mukha, para magising kana? Bahala na ang mga diyosa kung magalit ka sa' kin.

Pasensyahan tayo dahil maikli lang ang pasensyang ibinigay sa akin.

Lumabas na ako sa aking kwarto para kumuha nang isang balde nang tubig.

"O Tanya, gising na ba ang babaing nasa kwarto mo?" Kamalas malasan namang biglang lumitaw sa harapan ko ang namumuno sa aming lugar.

'Brigadier' ang tawag namin sa kaniya.

"Sa katunayan po ay tulog pa siya at nababagot na po akong maghintay kung kailan siya magigising." pag aamin ko sa kaniya.

There's  no point of telling a lie in her face, it's her ability.

Pero dahil magaling akong mag manipula ay pa minsan minsan ko siyang nalulusutan, halos himala na ngang maituring kapag nagawa ko iyon.

"Kung gano'ng nababagot kana, ano naman ang gagawin mo para gumising siya Tanya?" Pinagka diinan niya pa talaga ang salitang 'gagawin' habang nakangising tanong niya sa akin.

Kinabahan ako bigla sa ngisi niyang iyon.

Hindi ko pwedeng sabihin sa'yo dahil baka bigwasan mo ako noh.

"Uhm... wala pa naman po akong naiisip eh." Yun na lamang ang aking nasabi at biglang tumawa siya sa aking sagot.

"Talaga lang tanya ah?" aniya na parang naninigirado pa sa sagot ko.

"Opo." agarang sagot ko naman, baka bigwasan niya talaga ako kapag nalaman niya kung ano ang binabalak kong gawin, para gumising na ang babaing iyon.

Mas mabuti nang wag ko nang ipaalam kahit kanino man baka isumbong lang ako sa Brigadier.

Safety first! Mahal ko pa ang buhay ko.

"Aalis na po muna ako Mrs. Fense." pagpapaalam ko.

Hindi ko na siya pinasagot dahil tumakbo na ako kaagad palayo sa kaniya at nag tago sa likod nang mga boxes na gawa sa kahoy na may lamang iba't ibang uri ng mga prutas.

Sinilip ko ang gawi niya at umalis naman na siya sa harap nang pintuan nang kwarto ko kaya naman nakahinga na ako nang maluwag-luwag.

"May tinatakasan ka na naman ba Tanya?" Isang baritonong boses ang aking narinig mula sa gilid ko.

Masiyado akong nagulat kaya 'di ako nakagalaw. Akmang lilingonin ko na sana siya nang magsalita siya ulit.

"Ano na naman ba ang ginawa mong kalokohan Tan?" aniya at nilingon ko na siya nang tuluyan, pero wrong move dahil ang lapit lapit nang mukha niya sa akin.

Parang nagulat din siya sa ginawa ko kaya nagkatitigan kami nang ilang segundo. This is effin awkward!

Ako na mismo ang pumutol sa titigan namin dahil nakakahiya na sa kaniya. Alam kong pumula ang mga pisngi ko.

"W-wala naman akong tinatakasan Sebastian ah! At lalong wala akong ginagawang masama noh!" Pagtataray ko, humalukipkip pa ako sa harap niya at tinaasan siya nang kilay.

The Separated DescendantsWhere stories live. Discover now