Chapter Three

3 0 0
                                    

Tanya's POV.

Ngayon ang araw na makikilala na ng buong samahan si Aqua, o mas nakasanayan kong tawagin bilang si Neptune, mas nanaisin niya daw kasing kalimutan ang kaniyang nakaraan, at sisimulan niya 'yun sa pamamagitan ng pagka-karoon ng bagong pangalan, naiintindihan ko naman siya.

Kaya lang, ano ba ang nasa nakaraan niya na nais niyang kalimutan? Nagta-taka man ay sinunod ko na lang ang gusto niya, iniba namin ang pangalan niya pero 'di pa rin naman 'yon nalalayo sa tunay niyang pangalan.

Wala rin naman kasi ako sa posisyon na 'di tugunan ang gusto niya. At buhay niya 'yan kaya siya ang bahala, taga supurta lang ako sa kwento niya.

Ilang minuto na lang at mapupuno na ang hall nang  Disenthrall. I wonder bakit ganun ang pangalan ng aming hukbo.

"Nakaka-kaba!" sabi ni Aqua, nakakatawa ang mukha niya ngayon, para siyang mata-tae.

"Hindi naman ah, masiyado ka lang sigurong nag-puyat kagabi." pag papakalma ko sa kaniya, may anxiety ata siya.

Huminga siya nang malalim at bumuga ng hangin.

Sa ilang sandali oa ay na-puno na ang hall at nasa pinaka-dulong parte na ngayon ang leader ng aming hukbo, ang Brigadier.

"Magandang umaga, patawad at napatawag ko kayong lahat ng ganito ka-aga, knowing na may mga trabaho rin kayong ginagawa at mga task na kailangang matapos niyo na kaagad, pero ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay isang importanteng mensahe," panimula niya at nakinig naman ang lahat ng mga officials na nandito ngayon sa loob ng hall.

"Mensahe ito mula sa mga Hukom," pagkarinig sa Hukom ay naging mas seryoso na ang lahat, hinanap ko naman ang aking ama, mabuti naman at nandito na siya, ilang araw rin siyang nawala sa paningin ko.

"Gusto nilang makipag kita sa atin. Mukhang may mga nabago na sa kanilsng mga batas, at sa tingin ko ay may kinalaman sa isang bagong naupo sa pwesto." dagdag niya pa pero wala sa kaniya ang atensyon ko ngayon,

"Sa Mountville magaganap ang pag-pupulong na hinanda nila para sa mga darating na representatives ng bawat hukbo at kaharian na dadalo." masyado kong tinititigan ang mukha ni ama kaya napapansin ko'ng nagiiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha, it's longing... I'm sure of what I saw.

"Bakit representatives ang pinapa-punta nila sa Mountville kung pwede namang ang leader na mismo ang dumalo?" Tinig iyon ng isang lalaki kaya malamang ay hindi na si Brigadier ang nag salita, tsaka isa pa bakit niya naman kakausapin ang sarili niya?

"Wala na akong pakialam sa rason nila, mas maganda rin naman kasing hindi na ang mga leader ang nagkikita-kita, nakakasawa na ang kanilang mga pagmumukha." Sagot naman niya. Hambog.

"Kung gano'n ay sino-sino ang mga napili mong pumunta sa Mountville?" ibang boses naman ang nagtanong, 'di ko parin winawala ang paningin ko kay ama, masyadong nakakapang hiwaga ang kaniyang ekspresyon na ngayon ko lang nakita.

"Ang napili ko ay sina Sebastian, Tanya, Vair, at may isa pang hindi hindi ko pa alam ang pangalan, at si Tanya ang gagawa nun para sa akin." pagtatapos niya. Tsk. 'Di pa ako ready tumayo.

Naglakad na ako papunta sa tinatayuan kanina ni Brigadier.

Hindi na muna ako nagsalita at nilibot ko ang aking paningin sa loob ng hall, malaki ang hall kaya marami rin ang mga nandito sa loob, karamihan sa nandito sa ay ang mga mandirigma ng aming hukbo.

"Kagaya nga nang nasabi ng Brigadier, may ipapakila akong kakampi." pinagka diinan ko ang salitang kakampi.

Nilingon ko ang kinauupuan ko kanina at hinuli ko ang mga mata ni Aqua.

"She's a water holder warrior." Ibinalik ko ang paningin ko sa harap at naramdaman ko na lang ang pag lapit ni Aqua, tumabi ako para mas makita siya ng lahat.

"Hi, I'm Aqua Weir. And I'm a warrior." Pag papakilala niya sa sarili.

Hindi rin nagtagal ang pagtitipon at dumeretso na kami ni Aqua sa kwarto ko para mag handa sa mga gamit namin sa Mountville, nalaman rin kasi naming bukas na ang alis naming apat, hayss, trabaho na naman.

Pag pasok pa lang namin sa kwarto ay dumeretso na agad ako sa kama ko.

"Ahh, nakakapagod!" lumundang agad ako sa malambot kong kama, namiss ko ang kama ko! Ilang araw rin akong hindi naka-higa dito dahil kay Aqua.

"Salamat." rinig kong sabi ni Aqua, hinarap ko siya ng nagtatakang mukha ko.

"Para saan?" tanong ko.

"Sa lahat." aniya at ngumiti, nakakahawa masyado ang ngiti niya kaya napapangiti na rin ako.

"Wala ka namang dapat ipasalamat, tsaka baka nga bawiin mo 'yang sinabe mo dahil bukas madaming trabaho ang naghihintay sayo," ani ko at tumawa ng mahina.

Siguro nakakahawa rin ang tawa ko dahil tumawa rin siya.

"Baka nga," aniya na nagpalakas sa tawa namin. Sana ganito na lang palagi.

"Tomorrow is a new day, and by that day, we will be facing new obstacles." I said nonchalantly.

"I totally agree." rinig kong ani Aqua, medyo sanay na akong tawagin siya sa pangalang Aqua ngayon.

Papasok na sana ako sa banyo ko ng may kumatok sa pinto at may nagsalita.

"Tanya! kumain na daw kayo ni Ne-- Aqua!" boses ni Seb ang narinig ko kaya napa takbo agad ako sa pinto.

"Saan ka galing?" tanong ko agad pagkaharap ko sa kaniya.

"Sa..." nag hintay ako ng ilang segundo sa sagot niya pero 'sa' lang ang lumabas aa bibig niya.

Tsk! 'Di talaga siya magaling sa pagsi-sinungaling.

"Tara na nga lang," aniya pa.

Tinalikuran ko siya at hinarap si Aqua para yayain.

"Tara na, Aqua Weir." nakangiting ani ko. Weir nga pala ang totoo niyang apelyido, nakalimutan ko.

Hinawakan naman agad ni Seb ang braso ko at hinila ako. Ang laki-laki naman ng mga hakbang niya! 'Di ako nakakahabol kaya para tuloy akong kina-kaladkad.

Kakatapos lang ng haponan kasama si ama at si Brigadier kasama ang anak niya at ang papa ni Seb, dumeretso na ako sa napakalaking garden ng kampo, ang kampo ay nasa paanan lang ng bundok kaya marami at matataas ang mga puno dito.

Tinitigan ko ang napakalaking buwan, it's a new moon, and it's so beautiful.

Naglalayag ngayon ang utak ko at naalala ko naman ang napag usapan kanina sa hall, ang Hukom, rings a bell. I wonder where did I heard it before.

Somehow I feel excited for tomorrow, siguro ay dahil sa ngayon na lang uli ako ipapadala sa malayong lugar.

The last time I was sent on a far place was miserable.

Miserable that I almost die. Siguro naman hindi na 'yon mauulit ngayon, wala naman na sigurong masasaktan at duguan na mngyayari.

I hope so.

---
IffySagi

The Separated DescendantsWhere stories live. Discover now