Tanya's POV.
Bukas na ang huling araw namin dito sa Mountville. Mamimiss namin ang lugar na ito kahit na hindi naman ganoon katagal ang pamamalagi namin. Lalo na ang garden nila na may mga kakaibang mga bulaklak, normal nga lang ang mga bulaklak na iyon, hindi katulad ng mga bulaklak na nakakalat sa mga kakahuyan. Kakaiba dahil mapanganib.
Kasama namin ang kambal ngayong araw, mukhang halos lahat kaming mga narito sa mansion na mga representatives ay iisa lang ang iniisip. Susulitin namin ang natitirang araw na ito.
Tanghali na kaya maikli lang ang oras na meron kami, naisipan naming gumala sa village dito. Nakapunta na nga ako ron pero agad rin naman akong bumalik dahil nga wala pa akong kinakain.
"Wow, ang ganda talaga dito sa centro." Bulalas ni Eilca na tinanguan naman naming lahat.
Centro ay isa pa sa tawag namin dito sa Mountville dahil ang lugar na ito ay nasa gitna naman talaga ng White Empire. At pinalilibutan ng iba't ibang kaharian at mga hukbo.
"Doon tayo oh, mukhang may mga nagtatanghal na mga salamangkero." Suhestyon ni Aqua. Dumeretso kami ron.
May nagtatanghal ngang mga salamangkero. Karamihan ata ng mga narito ay mga galing sa mansion at mga dumalo sa pag pupulong.
Nakakamangha naman talga ang mga nilalang na ito, malaki ang espasyo sa lugar na ito at nakakalat ang iba't ibang mga salamangkero, walang makikitang pagmamalaki sa kanilang mga mukha kundi saya. Mahal nila ang mga ginagawa nila.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar, nahagip ng mata ko ang isang matanda, puppet show ang ginagawa niya. Nilapitann ko siya at halos mga bata lang ang nanonood sa kaniya.
"Sa araw na iyon ay isinilang ang anak ng reyna. Kambal ang naging anak nila ng hari. Kasabay ng pag labas ng mga batang iyon ay biglang bumuhos ang ulan, mahina lamang ang ulan na iyon. Masaya ang lahat ng mamamayan na nakatira sa kaharian ng gabing iyon. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat. Hindi nila namalayan ang pag ulan ng nyebe sa oras rin na iyon na kasabay ang ulan sa pagbuhos. Iilan lamang ang nakapansin." Anang matanda. Nakakamangha ang kaniyang istorya at kung paano rin gumalaw ang kaniyang mga puppet. Illusionist ata si lolo.
"Lolo nakakamangha naman ho ang inyong istorya, saan niyo po ito nalaman?" Tanong ng isa sa mga bata.
"Nasaksihan ko ito mismo hija. Sa lahat ng nangyari sa aking buhay, iyon ang pinaka mahiwaga." Nakangiting sagot ni lolo.
Lilisanin ko na sana ang pwestong iyon ng natuon ang paningin ko sa isang babae na may kasuotang pang maharlika, may dalawa siyang kasama pero abala ang mga ito sa kakatingin sa kung saan saan. Nag tama ang aming mga mata. Hindi ko nakita ang buo niyang mukha dahil sa suot niyang veil. Nakita ko namang lumaki ang kaniyang mga mata ng bahagya. Hindi ko nalang ito pinansin at yumuko ako ng bahagya saka na umalis.
"Teka mahal na prinsesa, saan ka puponta?" Rinig kong sabi ng isang babae, nag derederetso na lang ako sa pag lalakad at sumabay sa dagat ng mga narito.
"Oh, saan ka naman naggaling Tanya?" May pag babanta sa boses ni Vair ng tanungin niya ako.
"Nanood lang ako ng puppet show, duon banda." Sabi ko at bumaling sa hara pan. Wah! Katakot!
Mahal na prinsesa.
Malapit ng lumubog ang araw ng mapagod kami kakalibit dito sa centro.
"Hindi pa ba kayo nagugutom? Kanina pa tayo nag lilibot dito, ni hindi man nga lang tayo bumili ng kahit na anong paninda." Nakangusong pag aaya ko. Naaliw ata ng sobra ang mga ito at nakalimutan ng kumain.
"Yeah right, we almost forgot." Nakangiting ani Sebastian.
"Gutom na rin ako. Saan tayo kakain ngayon?" Ani Aqua.
"Pwede pa naman siguro tayong kumain sa mansion." Suhestyon ni Vair.
"Puro gulay pagkain nila dun, nakakasawa." Mahinang bulong ni Eilca, natawa na lang kami.
"Doon na lang oh mukhang masarap mag luto ang may-ari dahil sa dami ng mga bumibili at kumakain." Suhestyon naman ni Lucca. Nilingon namin ang itinuro niya at mukhang matatagalan kami kung diyan kami kakain.
"Matatagalan tayo kapag diyan tayo kakain. Doon na lang tayo sa katabing bahay." Ani Vair.
"Sige Doon na tayo." Pag sasangayon ni Sebastian. At sinagayonan naman naming lahat.
"Good night sa inyo!" Pag papaalam ng kambal, pumasok na sila sa kwarto nila para makapag pahinga na.
"Let's sleep, good night girls." Paalam naman ni Sebastian at nauna nang pumasok sa sarili niyang kwarto naghikab pa ito. Mukhang na pagod nga ang mga lalaki.
"Good night!" Sabay sabay naming nasabi iyon. Bago nahiga sa kanikaniyang pwesto sa higaan.
Ilang oras na akong nakahiga ngunit hindi ako makatulog, bumangon ako at umupo sa bintana na hanggang sa pinakataas ng haligi ang haba pataas. Hanggang tuhod naman ito sa ibaba.
The day the twin were born and as they came out of the womb of their mother. The rain and snow fell at the same time.
Their Mother. Who is the mother of the twins? Who are the twins?
"Hindi ka rin ba makatulog Tanya?" Mahinang tanong ni Aqua, sinisigurong hindi magigising si Vair.
"Pagod ako pero hindi ako dinadalaw ng antok." Sagot ko. "Ikaw ba?"
"May bumabagabag sa aking isip." Aniya habang lumalapit sa akin.
"Tanya, sa tingin ko ay may naaalala na ako sa nakaraan ko." Naagaw ng kaniyang sinabi ang aking atensyon.
Nabasa ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"Huwag mo nang sabihin sa akin kong nahihirapan ka. Sabihin mo na lang sa akin ang lahat kung handa kana. Sa ngayon ay matulog na muna tayo." Pang aaya ko. Tumango naman siya at bumuntong hininga bago muling nahiga.
Tinanaw ko pa muna ang madilim na kalangitan, walang bituin na ngniningning ngayon. Masyadong tahimik ang buong lugar, hindi ako sanay, siguro ay dahil ngayon lang ako nagising ng gabi dito sa mansion.
Bukas ay makakauwi na kami. Ito na ang huling gabi namin dito, bukas ay makikita ko na si ama at siguradong magtatanong na naman ang brigadier tungkol sa mga pag babago ng batas, si Vair na lang siguro ang pasasagutin ko bukas. Tutal siya naman ang magaling pag dating sa mga ganito at sigurado akong siya lang din ang nakinig ng maayos sa kanilang tatlo noong isang araw.
Mag bababad na lang ako sa tubig bukas. Susulitin ko na lang ang huling sandali ko rito sa Mountville.
---
IffySagi
YOU ARE READING
The Separated Descendants
FantasyWhat will you do if someone looks just like you? Both of you had the same features, but never in the level, You're the devil while she's the angel, Then because of the bond, you will know that she's your sister, your twin sister. Your twin. Your...