Tanya's POV.
Nasa byahe na kami ngayon papunta sa Mountville, balita ko mga representatives nga ang mga dadalo at hindi ang mga heads or leaders ang dadalo sa gagawing pagpupulong.
Masyadong mahaba ang aming byahe kaya ang iba kong mga kasama ay nakatulog na dito sa karwahe, maliban na lang kay Sebastian na sanay na sa mga ganito.
"So... anong gagawin mo kapag nandun na tayo?" Tanong niya na nasa akin na ang tingin.
Nilingon ko siya. "Wala, wala akong gagawin." Pag amin ko, bakit ba ganitong klaseng tanong ang binibigay nila?
"Talaga lang?" Nag iwas ako ng tingin.
Mahabang katahimikan ang nabuo sa pagitan namin.
"Kamusta nga pala ang pag-eensayo mo?" tanong niya uli.
"Maayos na, 'di tulad dati." Sagot ko at tumahimik uli.
"Marami na ang nag bago sayo, Tanya." Napalingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin, Seb?"
"You're... getting cold to me, Tanya, and I kinda don't like it." Nabigla ako sa sinabi niya na hindi ako nakapag salita agad.
"Ilang buwan lang akong nawala, nag iba na ang pakiki-tungo mo sa akin. Ang mga kilos mo ay nag-iiwan ng tanong sa isip ko..." Aniya, kitang kita ko ang lungkot na nababalutan ng kaniyang ngiti.
What did I do?
"What happened to you Tan? What happened to us? Did I do something that made you mad and cold?" tanong niya pa ulit.
"You did nothing Sebastian, it's just that, I was busy this past few weeks. Hindi ko nga alam na ganiyan na pala ang nararamdaman mo. I'm sorry."
Nag-iba naman ang hitsura ng kaniyang mukha.
"You're busy? and what made you busy? And you didn't even bother to tell me?" tanong niya.
What shall I say?
"It's about the training Seb, nothing more." Sabi ko at hindi na nag salita, at ganun din siya.
"Tanya," tawag niya.
"What?"
"You're freezing the carriage." aniya, tiningnan ko ang inuupuan ko at tama nga siya, kumakalat na ang ice mula sa kina-uupuan ko, mabuti na lang at malayo ang dalawang natutulog mula sa akin.
"Were you thinking that deep?"
"Hindi naman."
"Then, are you feeling something strange?" tanong niya at lumapit sa akin.
"No. Wala, I'm fine."
Out of suddenly, he hold my hand. "You should always calm yourself, Tanya. Hindi mo pa kontrolado ang kapangyarihan mo. At alam mong delikado kapag hindi mo ito namamalayang lumalabas sa katawan mo." Sabi niya habang naka tingin sa mga mata ko.
"Y-yeah, alam ko yun." Aktong babawiin ko na ang kamay ko pero hinigpitan niya ang pag-hawak rito.
Sanay akong gawin niya ito pero iba ang pakiramdam ngayon.
"You should sleep, mahaba pa ang byahe natin." Tumango na lang ako at isinandal ang ulo ko sa karwahe at pumikit, naramdaman ko namang hinawakan ni Sebastian ang gilid ng ulo ko at isinandal niya ako sa balikat niya.
"You should take a rest, and control that enormous powers of yours." aniya bago ko namalayang hinalikan niya pala ako sa ulo.
---
YOU ARE READING
The Separated Descendants
FantasiaWhat will you do if someone looks just like you? Both of you had the same features, but never in the level, You're the devil while she's the angel, Then because of the bond, you will know that she's your sister, your twin sister. Your twin. Your...