Chapter One

9 1 0
                                    

Lara's POV.

Naghahanda na ang aming kaharian para sa nalalapit na handaang magaganap, at para masiguradong magtatagumpay kami sa aming plano ay ibinuhos naming lahat ang oras namin sa pag papaganda sa palasyo.

Ang magaganap na handaan ay para sa inang reyna, katawan niya na sa susunod na araw kaya kahit na maaga pa ay nagtatrabaho na ang lahat.

Mahal na mahal namin ang reyna kaya gagawin namin ang lahat sumaya lang siya.

"Gowan, wala kabang nakikitang masamang mangyayari sa pupuntahan natin?" tanong ko. Si Gowan ay isang Illusionist na may kakayahang makita ang hinaharap. She's the kingdom's fortune teller.

"Wala naman akong nakikitang masamang mangyayari kamahalan." sagot niya habang nakatunganga, ganyan na siya bata pa lamang kami.

"Bakit niyo po naitanong kamahalan?" Halatang nagtataka si Gowan sa aking tinanong.

"Para' kasi akong nasasabik Gowan e, ewan ko ba 'di naman ako mahilig umalis ng palasyo, pero talagang nasasabik ako... natatakot narin ako dahil sa tuwing nakakaramdam ako nang pananabik ay may masamang mangyayari... naiintindihan mo ba ako Gowan?" Pag amin ko. 'Di sumagot si Gowan kaya nilingon ko siya, nakatulala nanaman siya at nakanganga pa siya.

Normal pa ba itong babaing 'to?

May kumatok sa pinto kaya naagaw nito ang atensiyon ko. May pumasok na dalawang kawal na bahagyang nakayuko, simbulo ng pagbibigay respeto sa mga mas nakakataas sa kanila.

"Kamahalan ipinapatawag po kayo ng reyna." mahinahong saad ng isa sa kanila habang nakayuko parin, hindi ko nalang ito sinagot at kaagad na tumayo, baka may nangyari kay ina.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng aking silid at ramdam kong sumunod silang tatlo.

"Your highness." bahagya akong yumuko para mag bigay galang, ganun din ang ginawa ni Gowan.

Umalis na din ang mga kawal na naghatid samin sa kinaroroonan ni ina, ang aming reyna.

"Lara, nag padala na nang sulat si General Frenierre, bukas nang umaga ang alis niyo ni Gowan sa palasyo papunta sa kinaroroonan ni Frenierre dahil sa susunod na araw na ang punta niyo sa Mountville." mahabang litanya ni ina.

"Opo, maghahanda na kami ni Gowan ina." Yumuko uli kami ni Gowan bago umalis sa silid ni ina.

Habang nag bibiyahe kami ni Gowan papunta sa mansyon ni General kasama ang ilan sa mga kawal, ay dada naman nang dada si Gowan.

"So kamahalan ano nga iyong nararamdaman mo kahapon?" Biglang nag tanong si Gowan na para bang... kinikilig? Bakit naman siya kinikilig?

"Yun bang 'nananabik' Gowan?" Sagot ko sakaniya, dinidiinan ang salitang nananabik. Tumango-tango naman siya habang namumula ang kaniyang mag-kabilang pisngi kaya 'di ko maiwasang matawa sa kaniyang mukha. Ang cute niya. 

"Kamahalan baka naman kasi e, nae-excited ka kasi may makikita kang taong matagal mo nang hinihintay." sabi niya habang tinutusok-tusok ang aking tagiliran kaya napapatawa ako dahil sa kiliti.

"Ano bang ibig mong sabihin Gowan?"

"Yiee kunwari kapa kamahalan e."

"Ano nga kasi iyon Gowan?" Tanong ko uli.

Tumikhim pa siya bago magsalita pero kinikilig parin siya at nakangiti na kulang nalang ay umabot na sa tenga niya ang labi niyang nakangiti.

"Baka kasi may inaasahan kang isang tao na matagal mo nang 'di nakikita...yieee." aniyang kinikilig pa.

Matagal nang 'di nakikita, at sino naman kaya iyong taong yon?

Biglang pumasok sa isip ko ang isang lalaking nakangiti, ramdam kong pumula ang mukha ko dahil sa lalaking iyon.

"Ayieee ikaw kamahalan ah dine-deny pa." aniya.

"Tss,tumigil ka na nga diyan Gowan, 'di ko alam iyang mga pinagsasabi mo." Tumigil naman siya, pero nanunuksu parin ang kaniyang mga mata kaya napailing nalamang ako.

---

"Maligayang pag dating sa aking mansyon, mahal na prinsesa." bahagya pang yumuko si General Frenierre sa akin. Yumuko rin ako nang bahagya bago mag salita.

"Maraming salamat General."

"Alam kong napagod kayo sa inyong biyahe patungo rito mahal na prinsesa, kaya bago paman kayo makarating dito ay ipinaghanda ko na kayo nang kwarto para doon mag pahinga." mahabang litanya niya.

"Maraming salamat kung ganun General. Nais ko na sanang mag pahinga kaya magpapaalam na kami ni Gowan sa inyo."

"Ayos lang mahal na prinsesa." yumuko muna ako bago ako umalis patungo sa sinasabing silid para mag-pahinga, ramdam kong sumunod sa akin si Gowan kaya dumeretso na ako.

"Bakit 'di kasama ni General si Zachary?" Agarang tanong ni Gowan nang maka-pasok na kami sa kwartong hinanda para sa amin.

"'Di ko alam Gowan."

Humiga na ako sa kamang nakalaan para sakin, nakakapagod.

"Bakit mo naman iyon naitanong?"

"Wala lang hehe." aniya na parang may binabalak.

"Aalis pa tayo bukas Gowan kaya magpapahinga na muna ako sandali."

"Ok sweetdreams kamahalan." aniya bago sinara ang pinto.

Nagising ako dahil kumukulo na ang sikmura ko, dumidilim narin kasi. Asan na ba kasi si Gowan?

Dumeretso na ako sa hapagkainan nang mansion at sakto lamang ang aking pagdating dahil naghahanda na ang mga katulong nang mansyon para sa hapunan.

Nakita ko kaagad si Gowan na may kausap na lalaking mas matangkad pa sa kaniya.

Kumaway naman sakin si Gowan habang ngiting ngiti.

Bigla namang humarap sa akin ang kausap niya kaya nagulat ako nang mapagtanto ko kung sino ito.

Zachary Frenierre.

Naglakad na silang dalawa papunta sa dereksiyon ko kaya ngumiti nalamang ako.

"Hi Lara, how are you?" Tanong ni Zachary nang makalapit na sila sa akin.

"I'm fine Zach,how about you? It's been more than a month since the last time you visit in the castle." sagot ko.

"I'm good Lara, I've been in a mission last month, kaya 'di na ako nakakapunta sa inyo." aniya na ngiting-ngiti.

Iba ang dating sa akin nang mga ngiting iyon at 'di ko alam kong bakit. Siguro dahil matagal tagal na rin kami'ng hindi nagkikita, Yeah, yun lang yun.

"Ehem, kamahalan baka nagugutom na kayo, kumain na muna tayo bago kayo mag-usap ni Zachary." sabi naman ni Gowan kaya napailing nalang ako.

"Shall we?" Anyaya ni Zachary.

Naglakad nalang kami papunta sa dining room ng mansion para kumain na.

Pagkatapos ng hapunan ay nag paalam na kami ni Gowan na babalik na kami sa silid namin.

Aalis pa kami bukas para kumuha ng mga magagandang bulaklak na idedesenyo namin sa loob at labas ng palasyo para sa kaarawan ng ina, at kakailanganin namin ang tulong ni General para makapasok kami sa Mountville, dahil nasa Mountville ang pinaka malaking hardin ay duon kami kukuha.

Alam kong matatagalan kami sa pag kuha ng mga bulaklak dahil piling tao lamang ang nakakapasok sa hardin na iyon.

Excited na rin akong makapunta roon dahil kinahihiligan ko ang mga bulaklak, lalo na ang mga rosas.

---
IffySagi

The Separated DescendantsWhere stories live. Discover now