Chapter 24

7.3K 422 96
                                    

Auster's pov

Ang busy ng daanan kahit dis oras na ng gabi.

Malamig yung hangin at tila nanunuot sa loob ng mga kalamnan ko.

Naalala kong di pa pala ako kumakain. Humugot ako ng malalim na hininga saka pinunasan ang mga luhang kanina pa tulo ng tulo binabasa ng paunti unti ang aking pisngi at damit.

"Okay na toh, masyadong maiksi ang pinagsamahan namin para maging oa ako ng ganito." Bulong ko sa sarili.

Mahirap na kahit ilang buwan lang naman kaming nagsama ay halos ginawa ko na syang mundo. Ibinigay ko ang lahat at dinepende ko ang sarili ko sa taong akala ko ay sasalba sakin sa pait ng buhay.

Hinugot ko mula sa aking bulsa ang aking lumang wallet. Naririto parin ang atm na naglalaman ng pera na ginamit ni Uji para bilhin ako.

Higit 30 million pa ang laman nito dahil wala naman akong ginastos ni isang kusing mula tumira ako kay Uji.

"Makakapagsimula na ako ng bagong buhay sa halaga ng perang ito." Bulong ko sa sarili.

Inayos ko ang aking sarili at naglakad sa may malapit na atm machine. Tandang tanda ko pa ang instruction dati ni Uji sakin kung paano ko gagamitin ito at paano ako makakapagwithdraw ng pera.

Nasa tapat nako ng atm machine at di ko alam kung bakit pero laging sinasabi ng machine na nakalock daw ang account.

"Pero kasi sabi nya kanina lahat ng binigay nya ay di nya kukunin pabalik." Sumisinghot kong turan sa sarili ko.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Okay lang, wala narin naman akong paglalaanan ng perang ito kaya ibabalik ko nalang sa kanya pag nagkita kami ulit.

Napabuntong hininga nalang ako at tumuloy nalang ng lakad pauwi. Hindi sa bahay na bigay ni Uji, kundi sa bahay kung san ako talaga nararapat.

Binabagtas ko ang eskanita papunta sa barangay dimtubig.

Iba din talaga ang amoy ng hangin dito, amoy imburnal. Pero kahit pa nakakamatay ang amoy ng hangin dito at daig pa ang disyerto sa kakulangan ng tubig, ay alam mong totoong may saya sa barangay na ito.

Lahat ng magkakapit bahay a magkakakilala at lahat ay handang magbigay ng tulong hanggat kaya nila, dahil sila sila lang din ang nakakaalam ng hirap ng buhay ng isa't-isa.

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa tapat ng dati naming barong barong ni tita.

Alas onse na ng gabi pero mukhang mapapasabak ako ngayon dahil nagiba ng nagdaang bagyo ng pangalawang palapag ng bahay, dahil narin siguro sa kalumaan at may karupukan na ang mga kahoy.

Tulugan pa naman namin ni tita ang taas kaya napapakamot nalang ako kung makakapagpahinga paba ako ngayong gabi.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko saka nirolyo pataas ang sleeves ng poloshirt ko.

"Whew! Kaya ko toh!" Pagpapalakas ko ng sarili ko at sinumulan nang baklasin ang mga kahoy na nakaharang sa pinto.

"Auster? Ikaw ba yan?" Boses ng isang babae ang nagpalingon sakin sa aking aking likuran

"Ah, kayo poh pala aling bebang. Oho, ako poh ito. Pasensya na kung mejo nabulabog kayo sa paghahakot ko ng mga kahoy. Aayusin ko lang poh yung bahay para may masilungan ako kahit papano ngayong gabi." Paghingi ko ng paumanhin at pagpapaliwanag narin ayoko din kasing matalakan pagod na akong tumanggap pa ng negatibo sa gabing ito.

"Ikaw talagang bata ka. Akala ko ba ay nasa isang mayamang tao ka nakatira at nagtatrabaho ngayon? Yun kasi usap usapan dito dahil nga hindi dito binurol si tita mo. Ano ba nangyari at bumalik ka dito?" Pag uusisa nito sakin.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon