Special Chapter

9.1K 306 113
                                    

Color's pov

I feel so sexy and gorgeous! Ako na ata ang pinakamagandang babaylan sa balat ng lupa!

Yan ang mga katagang gusto kong isigaw ngayon sa parkeng ito. Ba naman besh feel na feel kong kasing ganda ko si miranda kerr kung pagtinginan ako ng mga naggwagwapuhang puti dito. Kaya naman iwinasiwas ko ang napakahabang lace ng gown ko habang naglalakad ako sa parke na ito.

Sabi nila London eye daw ang tawag dito kaso hanap ako ng hanap ng mata eh wala naman ni isa. Isang napakalaking ferris wheel lang naman meron dito.

Anyways highways ay eto nga nagtataka lang ako kasi parang balot na balot ang mga tao dito, pero sabagay kasi halos di ko na maramdaman ang paa ko at daliri sa lamig. Pero infairness talaga ang ganda dito kaya wala akong pake sa lamig basta nakaoff shoulder gown ako at naka high heels lang para makaakit ng mga badboys na ready to mingle.

Pero di ko na kinaya ang lamig mga beshy. Asul na ang daliri ko sa kamay at sa paa. Letseee! Sinumpa ata tong lugar na to na parang isang malaking ref. Apaka kabaliktaran ng pinas na isang apakalaking oven naman. Wala na bang matinong lugar sa mundong ito?

Kaya kayo nako learn the 3r's of waste management lols!

Ang mga puting nilalang na mga to tinitignan lang akong nanginginig na nakaupo sa bench ng park na to. Besh ito na ata ang katapusan ng isang apaka gandang dyosang tulad ko.

Tumingala nalang ako sa langit.

"Siguro ay handa na akong bumalik sa pagiging dyosa ng mga magaganda at iwan na ang aking katawang lupa." Mahinang bigkas ko at tuluyan nang tinaas ang dalawa kong kamay. Mukhang lilisanin na ako ng sarili kong kaluluwa!

Nasa ganun akong pwesto ng biglang lumiwanag ang langit at tumama sa aking mukha ang init ng sinag ng araw.

Oh em gee! Totoo nga sigurong isa akong Dyosang nagkatawang tao! Emeee! I knew it! I knew it!!!!!

"Ahm. Ehemm." Biglang tikhim ng kung sino man sa tabi ko.

"Wag kang istorbo kinukuha na ako ng langit! Langit take me now! Handa na ang iyong virgin na dyosa ng kagandahan!" Taas taas padin ang kamay ko.

Kita kong may dumapong ibon sa aking kamay!

Oh em gee! Totoo nga talaga! Pati mga ibon sinasabing mas maganda ako kesa kay cinderella at snowhite!

"If you keep your hands up like that fully expose, you'll definitely end up losing all your fingers to the cold." Sabat ng boses sa likod ko.

Napahingang malalim ako at kunot noong hinarap ito.

"Ano bang pake-" Halos di ko matapos ang sasabihin ng makaharap ko ito. "Alam mo." Pagtatapos ko sa sinasabi ko.

Nakita kong ngumiti ito sa akin na halos nagpasingkit lalo sa mga cute nyang mata!

Homay ghad! Muli akong tumalikod at humarap sa liwanag ng langit.

"Please mga dyosang mahabagin. Kailangan ko pa syang matikman. Later nyo na kunin ang katawang lupa ko please na pretty please!" Muli kong dasal sa kalangitan.

At tila pinakinggan naman ako ng langit at nawala ang liwanag ng araw pero ang pesteng ibon iniputan ako sa mukha!

"Homay ghaaad!" Ang tili ko dahil syet na malagket lang mukhang natikman ko pa ng konte ang ipot ng kalangitan.

Nabigla ako ng pahiran niya ang aking mukha ng panyo nyang dala.

Ok it's official! Boypren ko na sya!

Kaso lang nakakahiya talaga!

"Here, wear this." Saad nya matapos akong punasan sa mukha. Sinuot nya sa akin ang kanyang winter coat. Nakatulala lang ako sa gwapo nitong mukha.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon