Chapter 15

16.4K 713 82
                                    

Hi there guys! Another update poh!

Dedic time!
Dedicated tong chapter to jguevarra02. Sorry kung ngayon lang naupdate nagkaproblema eh. Pero dedicated sayo tong chapter as promised 😊 sensya kana samin ni josh hehe.

Shout out to YusTimmy, Iamjaelopez at SOTUSEngineer. Read their updates guys!



Auster's pov

Nasa labas padin kami ng operating room ni uji. Nakaupo ako ngayon sa pwesto ko kanina. Wala nang matinong punapasok sa isip ko. Tanging ang kagustuhan ko nalang na mayakap si tita at umuwi na kami sa bahay namin.

Kausap ni Uji ngayon sina manong Vlad at Thrace. Hindi ko marinig ang mga sinasabi nila pero sa ngayon wala na akong pakialam.

Si tita, hindi sya pwedeng mawala. Siya nalang ang natitira sa akin.

"Jusko wag nyo po syang kunin sakin. Maawa naman kayo sa akin. Kinuha nyo na sina mommy at daddy, please naman wag si tita." Taimtim kong dasal habang lumuluhang nakaupo.

Naramdaman ako ang mainit na kamay na humahaplos sa aking likod.

"Shhhh tahan na, magiging okay din si tita mo. Magpakatatag ka bau." Pag-aalo ni Uji sa akin. Napakalambing ng boses nya at bakas dito ang concern nya at sinseridad.

Hindi ko na napigilan pa ang humagulhol at sumiksik sa kanyang dibdib.

"Hi-hindi ko kayang mawalan pa ng mahal sa buhay Uji. Hindi ko kayang mawala si tita. Sya nalang ang natitirang pamilya ko. Hindi ko kaya. Jusko wag nyo pong kunin si tita sa akin." Hagulhol ko ng iyak habang niyayakap ako ni Uji. Pilit akong pinapatahan ng malambing nyang haplos at mainit na yakap, pero sadyang umiiral ang takot sa akin at tila ba wala na akong ibang alam kundi ang matakot na lamang at umiyak.

"Tahan na." Saad niya at inangat ang aking ulo at nagtapat ang aming paningin. Nakakahiya na punong puno na ng uhog at luha ang aking mukha. Nakikita ko ang awa sa kanyang mga mata.

Hinaplos nya ang aking pisngi at pinahiran ang mga luha dito.

"Andito ako. Ano man ang mangyari ay hinding hindi kita iiwan. Masasandalan mo ako Bau. Sandalan mo lang ako." Saad nya habang taimtim na nakatitig sa aking mga mata. Hinalikan ako nito sa noo at muling niyakap.

Napawi ng bahagya ang pangamba ko pero naroroon padin ang takot sa aking puso. Gumanti ako ng yakap dito. Magaan sa pakiramdam ang yakap ni Uji kaya naman ay ninamnan ko nalang ang mainit kong sandalan ngayon.

Muli syang kumalas sa yakapan namin at kinuha ang panyo sa kanyang bulsa at muling inangat ang aking mukha.

"Tumahan kana, ang dungis dungis mo umiyak oh uhugin kapa ang cute mo pa naman." Nakangiti nyang saad habang pinapahiran ang aking mukha.

Batang nakangiti sa harap ko habang pinapahiran ang aking mukha..

Natulala ako sa biglaang pasok ng ala-alang iyon sa utak ko. Sino yun? Sino ang batang yun? Bakit pamilyar sya?

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon