Dedicated to FBalgos
Brave's pov
Naiwan akong nakakuyom ang kamay dahil sa inis.
Ang kapal kapal ng pagmumukha nya. Parang wala lang sa kanya ang nangyari dati. Sabagay hindi naman sya ang nasaktan ng sobra kaya talagang wala lang sa kanya yun.
Napabuntong hininga nalang ako at inayos ang sarili habang kinukuha ang attache case na bitbit kanina. Nasa ganoong pag-aayos ako ng madako ang tingin ko sa kanilang table na may isang batang gusgusin na tila kanina pa nakatitig sa akin. Nakasampay pa ang dalawang palad sa baba (chin) nito habang nakangiti na akala mo ay nanunuod lang ng tv.
Awkward ko itong ginantihan ng ngiti saka tumayo na.
Nasa tawiran ako ngayon at hinihintay ang go signal ng traffic light para tumawid ng biglang may lumapit sa tabi ko.
"Teh, bilhin mo na tong sampaguita oh, kasing ganda mo toh teh infairness." Panguuto nito sa akin.
Binaba ko ang aking shades at tinignan ito ng maigi sa mata. Sinusuri ko at sinusubukan kung maiintimidate ba ito sa tingin ko.
Nang hindi ito matinag ay binaba ko ng tuluyan ang aking shades.
"Pano mo nasabing maganda ako? Di mo ba nakikitang lalake ako. At ang bata bata mo pa ganyan kana magsalita." Saad ko dito na kinatawa nya lang ng mahina. Gusgusin man ito pero makikita mo dito ang pagiging cute. Sya lang ata ang batang lansangan na mukhang foreigner sa tangos ng ilong at singkit na mata. Yun nga lang natatago ng mga mantsa at kaitiman nito ang kacutan nya.
"May gosh, ate pinanganak akong butterfly na natrap sa katawang toh no." Saad nya na may paikot-ikot pa at kendeng kendeng.
"Balang araw magfafly fly ako with pretty wings in the sky." Hagikhik nito sabay tingin sa mga mata ko ng nakapameywang.
"Tsaka ang mga butterfly na kagaya ko kilalang kilala ang mga kapwa nya paro-paro." Saad nito sabay galaw ng kanyang dalawang braso na akala mo lumilipad. Napatawa ako sa inasta nito.
"Para ka tuloy bibe sa ginagawa mo." Natatawa kong saad. Inirapan lang ako nito sabay hawi sa kanyang imaginary bangs at tumawa narin.
Inaya ko itong pabalik sa coffee shop na sinang-ayunan naman nito.
Nangmakapasok kami ay inorderan ko nalang ito ng juice at sandwich. Ngunit kita kong tila gutom na gutom ito kaya inorderan ko ng kung ano man ang tinuturo nya.
"Nakakatuwa ka. Ilang taon kana ba at nasan na mga magulang mo?" Tanong ko dito habang pinagmamasdan syang nilalantakan lahat ng inorder nya. Lumunok muna ito at uminom ng juice bago sumagot.
"6 na ako at patay na magulang ko. Dyan lang ako sa tabi tabi natutulog." Sagot nya habang patuloy ang kain. Tila naman may kung anong kumurot sa aking puso sa mga sinabi nya. pareho lang kami ng kapalaran. Ang kaibahan lang ay may tumayo sa aking magulang at yun ay si tita Bless.
"Tska itong sampaguita napulot ko lang toh ng itapon nung matandang nagrorosaryo kanina sa simbahan." Pagtatapos nya at baling ulit sa kinakain ang atensyon.
"Gusto mo bang magkaroon ng natay?" Hindi ko alam kung saan ko pinulot ang tanong ko. Kung bakit ko tinatanong ito ngayon ay hindi ko alam. Siguro dahil alam ko ang hirap na walang magulang. At sa mura nyang edad ay hinaharap nya ang buhay ng mag-isa.
"Natay? Ano yun?" Naguguluhan nyang tanong.
"Nanay na tatay." Nakangiti kong saad sa kanya na kinatigil nya ng kain.
BINABASA MO ANG
The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)
Fiction généraleWe met when we were a child. His dad is my dad's friend. I like him because he is too stubborn, but cool. Yet, luck has turned it's back on me. my parents died on a car accident and i was the only one who survived. The last time I saw him was on my...