Chapter 36

7.7K 389 96
                                    

Decdicated to alkie02

Brave's pov

Andito ako ngayon at nagsasun bathing sa may buhanginan. Grabeh ibang iba na pala talaga ang Bora. Parang naging heaven sya.

Gusto ko din talagang makalayo hindi lang sa Clint na yun na puro yabang, pati narin sa GGSS na si Uji.

Sumama lang naman ako dito dahil inimbitahan ako ni Clint to check on a particular lot na pwede ko daw pagtayuan ng isang establishment na gugustuhin ko. All the while, bakasyon pala talaga pinunta nya dito.

Although, kumonte na ang turista sa lugar na ito ay tila naman naging sophisticated na sila when it comes to activities and services that they avail. Tama lang na magtayo ng isang building na all in one na. From cabins and rooms to all out activities na pampamilya, plus food and establishments for leisure mood.

Napangiti ako sa aking naiisip. I decided to check the area probably tomorrow. Para narin may pagkaabalahan ako at nang makawala ako sa shadow ng dalawang ulopong na yun.

Nasa ganoon akong pagpapahinga ng tumunog ang phone ko.

"Color, may problema ba?" Bungad ko ng sagutin ko ang tawag.

"Wala naman so far. Maganda ang takbo ng business. Puro good news ang rason kung bakit ako tumawag ngayon." Rinig ko ang excitement sa tono nito.

"Hmmm, interesting. Sige ano-ano ba yan?" Interesado kong saad.

"Well, first thing first, ang apela mo sa korte para pamunuan ang buong yaman ng Castero ay kinokonsidera na ng judge." Halos manlaki ang mata ko sa narinig.

"Wow, great news nga yan color!" Galak kong tugon.

"Hindi lang yan ang siguradong ikakatuwa mo. Ang pinapaimbestigahan mong Rivande corporations ay pabagsak na. Halos lugi na ito. At dahil nga konektado ang Kazuma building corp ay kasabay din itong lulubog." Napangiti ako sa balitang ito ni Color. Mukhang umaayon narin sa akin sa wakas ang tadhana.

"Eh ang Kazuma Cars and Corp? May tsansa din bang makuha ko ito?" Pagtatanong ko dito in high hopes.

"Sa ngayon mukhang wala tatong chance na makuha ito. Nasa tuktok parin ito ng kanyang pedestal. Leading among all Car dealing companies at masyadong matatag ang pundasyon at reputasyon ni Ryuuji. Hindi natin ito basta basta mapapabagsak." Saad nya na kinabuntong hininga ko nalang.

"Hayaan mo na. Alam ko kung paano ko mapapabagsak ang kumpanya nyang yun." Saad ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Color.

"Ang sumusuporta sa kanya ay ang kumpanya ko sa Japan. Kailangan ko lang ng approval ng court para makuha ko ng buo ang control sa overseas business." Napangiti ako dahil nalalapit na talaga ang pagbagsak nila.

"Ibang-iba kana talaga Au, hindi kana katulad ng dati." Hindi ko man mabanaag kung anong reaksyon ang meron sa boses ni Color ngayon ngunit wala na akong pakialam.

"Yes, dahil binago nila ako. Pinatay nila ang Auster na walang ginawa kundi ang umintindi at maging positibo sa buhay. Kaya ngayong binuhay ko ang bagong ako. Sisiguraduhin kong kukunin ko lahat ng meron sila at wala akong ititira." May diin sa bawat salita ko.

"Tao ka lang Au, wag ka magpakain sa paghihiganti at galit." Tila nag-aalala nyang saad.

"Tao lang din ako nun nung halos inubos nila pati ang pagkatao ko. Tao lang din ako nun nung utuin nila akong parang aso. Tao lang din ako nun pero ni isa sa kanila walang tumuring sakin ng tao. Kaya bakit ako magpapakatao sa kanila ngayon? Wala na ang dating Auster. Ang Demonyong Brave na ang nandirito ngayon. At gusto ko sumunod ka nalang sa utos ko." Halos di ko mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko sa galit.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon