Kabanata 18

75.9K 2.1K 86
                                    

Kabanata 18

I fell into Daniel like the rainfall over an ocean. He came to me like a hurricane, everything that once held me in place ripped away. Having a relationship while studying was never my plan. Bukod sa ayokong suwayin ang mga magulang ko ay wala rin naman akong nagugustuhan o dahilan para kalabanin sila sa mga batas nila para sa akin.

Pero kahit pala anong tatag ng pundasyon na itinayo mo sa paligid mo, oras na puso mo na ang tumibok, wala ka na rin magagawa. Akala ko noon ay kaya ko pang pigilan. Akala ko kaya ko pang limitahan ang sarili ko na huwag magpadalos-dalos sa bagay na gagawin ko pero ako mismo ay natalo.

Sa ilang buwan na nakilala ko si Daniel, ni minsan ay hindi niya ako binigyan ng dahilan para magsisi sa naging pagsuway ko sa mga magulang ko. He's always making sure that he's worthy the chance that I gave him. Siguro nga ay maaga pa para masabi kong wala akong pagsisisihan na hinayaan ko siyang guluhin ang tahimik kong mundo pero... kung magkakaroon man ng problema, sigurado namang hindi iyon magiging dahilan para magkasira kami. 

With every passing days and months, my feelings for him grows stronger. The thought of us still being together as we both finished college until we're ready to face my parents consumes my mind, jolts my body with electricity and excitement.

Posibleng mangyari. Kailangan mangyari.

"Bryle was asking me about Amanda's favorite designer's bag. Any idea?" Daniel questioned.

Mula sa mga bahay na nagmimistulang gumagalaw dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Daniel, nilingon ko siya at naabutang kaaalis lang ng mga mata niya sa gawi ko.

"Bakit daw?" kunot ang noo na tanong ko.

Marahang humaplos ang hinlalaki niya na sa ibabaw ng kamay ko. His left hand was controlling the steering wheel while the other one was holding mine and I found it a bit dangerous to drive using one hand. Hindi ko alam. Baka paranoid lang rin siguro ako na baka mahirapan siya gayong alam ko naman na eksperto siya sa pagmamaneho. Or maybe, I was just feeling giddy because this is the first time I experience this kind of sweetness from someone.

Sabagay. Lahat naman ay kay Daniel ko unang nararamdaman at nararanasan.

"Bryle likes Amanda. He wants me to ask you about that thing."

"Talaga? Hindi halatang gusto niya si Amanda."

Daniel chuckled. "That's because he liked you first. I just told him to back off. Kahit sinong gustuhin niya, huwag lang 'yong sa akin na."

Tinaasan ko siya ng kilay, nangingiti rin naman. "Possessive."

His lips flashed a seductive grin. "Tell me about it."

Umiling ako, unti-unti ng nasasanay sa pagiging mabulaklak ng bibig niya. That's Daniel. Umpisa pa lang ay alam ko na 'yon. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magpapadala sa kanya at sa mga salita niya pero heto at bumigay rin ako.

"Ang alam ko mahilig si Amanda sa Channel. Iyon ang kadalasang gamit niya na brand. Anything that's branded will surely fit her taste," sabi ko. "Pero ang alam ko ay iyong Theus Serrano ang gustong-gusto niya."

He shot me a quick glance and lifted his brow up. "Yeah? You think so?"

"Oo. Hindi ba at naroon ka pa nga nung sabihin niyang type niya iyon? We were in the cafeteria that time. At saka hindi na iyon nakakapagtaka. That Theus is really handsome."

A scowl suddenly invaded his face. Bahagyang nanulis ang nguso niya habang ang paningin ay nasa daan pa rin sa harapan.

"Never compliment anyone when I'm around, Cheska. Mostly if it's a man."

Monasterio Series #2: After All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon