Kabanata 41

65.9K 1.7K 347
                                    

Kabanata 41

It was confirmed. Adrianna went to Batanes and stayed in Calix' house. Kung hindi pa tumawag sa akin si Calix ay hindi ko pa malalaman na naroon ang kapatid ko. Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi si Adrianna mismo ang tumawag sa akin o kung bakit hindi niya ipinaalam sa akin ang tungkol sa plano niyang iyon.

Iniisip niya bang isusumbong ko siya sa mga magulang namin kapag nagkataon?

You already did, Cheska! Sinabi mo sa harap nila mismo at ni Daniel na nasa Batanes siya sa lugar ni Calix. You already gave them the idea of where they can find her.

Pero hindi. Sinabi ko lang ang lugar pero hindi ang mismong address ni Calix. Isa pa, sinabi ko 'yon dahil pare-parehas lang naman kaming nagaalala kay Adrianna. Now that Daniel is already there, there's no more reason to feel worried.

Alam kong hindi papabayaan ni Daniel ang kapatid ko. Sigurado ako roon lalo na at nakita ko iyon mismo sa mga mata niya matapos siyang iwan sa ere si Rian.

"Hindi mo pa rin sila kinakausap?"

Marahan kong ibinaba ang hawak na libro sa ibabaw ng aking umbok na tiyan. I was reading a romance story but my mind can't seem to understand every scene for it's being clouded by the thoughts of Rian and Daniel.

I glanced at Christian who is also reading a book beside me. The sharpness of his jaw was so much visible because of his angle. Nilingon niya ako at tipid na nginitian.

Huminga ako ng malalim, isinandig ang aking ulo sa kanyang balikat. We're both leaning against the bed's headboard. It's already ten in the evening and I'm not yet sleepy. Maging siya rin naman ay hindi pa inaantok.

"Si Mommy lang naman ang galit sa akin. Iniisip niya talagang magkakuntsaba kami ni Rian sa pagalis niya noong gabing iyon." sabi ko, napapabuntong hininga.

"You can't blame her if she's thinking that way, Cheska. Sa mismong harapan nila ay sinabi mong nasa Batanes si Adrianna."

"I know. Pero naisip ko lang naman na baka naroon si Rian dahil sinabi ng tauhan ni Daddy na nakita daw siya sa airport. Pero hindi ibig sabihin no'n ay may kinalaman na ako." nakangiwing sabi ko.

He chuckled and placed a soft kiss on my temple. "Huwag mo na masyadong patulan ang Mommy mo."

Napailing ako, dismayado pa rin sa naging asal ni Mommy noong gabing iyon. She didn't hide the roughness of her attitude even though we're in front of the Monasterio's. Masiyado siyang napapaghalatang sabik sa pagsasanib pwersa ng mga pamilya namin. She's very much aware that they're already hurting my sister but still letting their greediness control them.

Months have passed and Adrianna didn't contact me. Gusto kong magtampo dahil ako na kapatid niya ay hindi niya magawang impormahin tungkol sa kalagayan niya. Kung hindi pa ako nakikibalita kay Calix ay hindi ko pa malalaman ang estado niya. Even Daniel isn't informing me about her.

Why would he do that, Cheska? Kung mayroon man siyang dapat pagsabihan ng tungkol sa kapatid mo ay ang mga magulang nyo 'yon at hindi ikaw.

Ang alam ko lang, pinili ni Daniel na roon na sa Batanes manirahan pansamantala para samahan ang kapatid ko. That's the only information I got from Mrs. Monasterio. Zion and him even exchanged positions when it comes to managing their family business. Si Zion ang sa ibang bansa at dito naman si Daniel.

Now that Daniel is with Adrianna, I'm sure it's not impossible for them to fall in love with each other. Dapat ay asahan ko na 'yon. Dapat ngayon pa lang, matuto na akong tanggapin 'yon. Dapat ay hindi na ako makaramdam ng sakit oras na makita ko na silang magkasama.

Monasterio Series #2: After All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon