Kabanata 29

64.1K 1.8K 255
                                    

Kabanata 29

The event started a few hours ago and here I am, already feeling tired and gloomy. Sa ilang oras na pananatili ko roon, hindi ko maiwasan ang hindi pamigatan ng loob dahil sa nangyaring eksena kanina. I know I shouldn't be feeling this way. I don't even have the rights to act like this when these are all my fault.

Sa tuwing mapapatingin ako sa gawi niya, hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng kirot sa puso dahil sa palagi ko siyang naabutan nakatitig sa babaeng kasama niya. Kung wala naman ang atensyon niya roon ay nasa stage naman.

Can't he feel me looking at him? Bakit dati, sa tuwing nakatitig ako sa kanya at hindi niya alam, kusa siyang bumabaling sa akin? There's a saying that you would feel whenever someone's looking at you. Like a magnet to a steel — it always attracts each other.

Ano pa bang inaasahan mo, Cheska? Pinagtabuyan mo siya noon, nakalimutan mo na? He even witnessed you marrying somebody else when it's supposed to be him. Siya ang nangako ng kasal sa'yo pero naging duwag ka.

Fine. There's a misunderstanding between the two of you that led you to breaking up with him. Pero nagkaroon ng pangalawang pagkakataon! Nagmakaawa siya sa'yo pero anong ginawa mo? Naging duwag ka. Mas inisip mo ang sasabihin ng mga magulang mo kesa ang ipaglaban siya. Don't act like you're the victim here cause you're not.

"Are you okay, Cheska?"

Mula sa gawi ni Daniel ay nabaling kay Camille ang atensyon ko. She's soulfully looking at me, an unknown emotion swimming across her eyes. Napatingin ako kay Amanda, mataman rin siyang nakatitig sa akin. Simula nang dumating si Daniel ay palagi nang ganoon ang klase ng tingin na ipinupukol niya sa akin.

Pilit na ngiti ang iginawad ko kay Camille. "Yes, I'm fine."

"Kanina ka pa kasi walang imik. Kahit nang i-acknowledge ni Dean ang presensya mo ay parang wala kang gana. Hindi ka naman ganiyan kanina nung dumating ka."

"Ayos lang ako-"

"Is this still about him, Cheska?" singit ni Amanda na ikinabaling ko sa kanya.

Natawa ako. "Who?"

She rolled her eyes. "Stop it. You're not good at lying. May nararamdaman ka pa sa kanya?"

Hindi ako nakasagot kaagad. Nanatili akong nakatitig sa kanila ni Camille, hindi alam ang dapat na isagot o maging reaksyon. Pakiramdam ko, tumanggi man ako ay hindi ko pa rin magagawang ilihim ang katotohanan.

Tumungo ako, huminga ng malalim at pinagsalikop ang mga kamay. Ilang segundo akong nanahimik saka pilit na natawa.

"Wala akong karapatan na sabihing mahal ko pa siya dahil hindi ko naman siya nagawang ipaglaban," mahinang sabi ko, ang labi ay unti-unti nang nanginginig. Muli akong lumanghap ng hangin at pinuno ang aking dibdib. Buong tapang akong nag angat ng tingin sa kanila, ang luha ay nangingilid na sa gilid ng mga mata ko. "Pasensya na. Masiyado akong ma-drama."

"Do you want to have some fresh air? Sasamahan kita." alok ni Amanda na sinagot ko ng mabilis na iling.

"I'm fine. Mababaw lang talaga luha ko." Humalakhak ako.

They didn't laugh like they find my answer pitiful. Huminga ulit ako ng malalim at hindi sinasadyang napatingin sa gawi ni Daniel. My heart clobbered when I found him looking at me. But as soon as our eyes met, he pulled away and anchored it back to the stage.

You finally see me now, huh?

"Daniel was a living dead when you decided to end everything between the two of you, Cheska. Pumapasok sa school pero parang hindi siya nag-e-exist. Nang malaman niya ang totoo sa kalokohang ginawa ni Emerald at Jandrix, ginawa niya rin ang lahat para makaganti. I even had a cat fight with Emerald," Amanda laughed mockingly. "Maybe the reason why they're not here. Balitang-balita kung paanong sinira ni Daniel ang negosyo ng pamilya ng dalawang iyon. The Monasterio’s are very powerful before... hanggang ngayon naman."

Monasterio Series #2: After All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon