Kabanata 25

74K 2.4K 277
                                    



Kabanata 25

My heart is beating and racing out of control as we keep the staring contest between us. Sa bawat segundong lumilipas na nakalapat ang mga mata niya sa akin, pakiramdam ko ay unti-unti na akong inaalisan ng karapatan na huminga ng maayos.

Limang taon ang nakalipas at ni isang beses ay hindi ko siya nagawang makita sa litrato o personal man. I no longer have the access to my social media accounts. Simula nang magdesisyon akong manirahan sa ibang bansa at doon ipagpatuloy ang pagaaral, inalis ko na rin ang kahit na anong puwedeng maging kuneksyon namin. Maging ang kuneksyon ko sa mga dating kaibigan.

Sabi ko sa sarili ko, oras na makita ko ulit siya, pipilitin kong umakto na normal lang ang lahat. Na hindi dapat ako mataranta dahil lang nagkita kami ulit. Na parte na lang siya ng nakaraan ko. Pero sino ba ang niloloko ko? Heto nga at nakatitig lang siya sa akin pero halos magwala na ang puso ko. Nga lang, wala na ang dating kinang sa mga mata sa tuwing titingnan niya ako. All I can see now was the coldness lingering in his eyes like he's just looking at some stranger.

You are really a stranger now, Cheska. Parehas kayong estranghero sa isa't-isa.

Daniel was the first one who pulled his eyes away. My heart clobbered in pain when he suddenly looked down his phone and the smirk I have fallen in love with blossomed in his lips. Dinilaan niya ang labi niya kasabay ng paggalaw ng daliri niya, ang atensyon ay naroon pa rin sa cellphone niya.

"Cheska..."

Mabigat ang pakiramdam ko nang bumaling ako kay Christian. He's staring at me as worry etched on his almond gray eyes.

"You okay?" he asked.

Nagbaba ako ng tingin sa pagkain ko na hindi ko na ata mauubos dahil sa biglaan kong pagkawalan ng gana. I nibbled the bottom part of my lips and then glanced upon him.

"He's here, Christian."

Kumunot ang noo niya. "Who?"

"Daniel..."

Natigilan si Christian, titig na titig sa akin. He knows what I feel for Daniel. He knows that I am having a hard time to move on from our past. Wala akong inilihim sa kanya na kahit ano tungkol sa akin kaya naiintindihan ko kung bakit ganito na lang ang reaksyon niya.

Nagbaba siya ng tingin pagkatapos ay huminga ng malalim. He ascended his gaze and looked back. Alam kong sa gawi nila Daniel siya tumingin kaya naman nagiwas ako ng mga mata. Kung sakaling makita ni Daniel ang pagtingin ni Christian sa gawi nila, ayokong isipin niya na siya ang pinaguusapan namin.

I tried to focus my eyes on my plate, swallowing really hard.

"Do you want to get out of here?" I heard Christian ask after a couple of seconds.

"No, it's alright. Hindi ako puwedeng magpaapekto sa kanya. Paniguradong hindi ito ang unang beses na magkikita kami dahil nasa iisang mundo lang tayo ng ginagalawan. I can't avoid him everytime we see each other," sabi ko at nag angat ng tingin sa kanya. "Sarili ko lang ang pahihirapan ko."

Tumango siya. "Hindi kaya tama ang kaibigan mong si Calix, Cheska? Maybe you need to have a closure with him for you to move out from that phase of your life. Maybe you have to apologise for judging them too quick. Baka kasi nakukunsensya ka lang sa naging desisyon mo noon."

Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay huminga ako ng malalim. Pasimple kong tiningnan si Daniel. Nasa menu ang atensyon niya, kunot ang noo at para bang hindi nagugustuhan ang mga binabasa roon.

Noon, sa tuwing sumisimangot siya ay hindi ko maiwasan ang purihin siya dahil sa kagwapuhang taglay niya. There's no ugly expression when it comes to him. Ngumiti o sumimangot, gwapo pa rin. That way, I can't help but to realize how lucky I was for having him as my boyfriend.

Monasterio Series #2: After All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon