Kabanata 45

74.8K 1.9K 290
                                    


Kabanata 45

I took my slippers off and walked onto the silky sand letting it tickle my feet. I looked up to the flamboyant yet soothing streaks of colour that had filled the canvas of the sky. The vibrant sun beams shone onto the golden sand making it dazzle like millions of jewels. Maging ang dagat ay halos magkulay kahel na rin dahil sa repleksyon ng papalubog na araw.

Tipid akong napangiti. I haven't seen the sky this beautiful. O, marahil nagpapakita naman pero sadyang abala lang ako sa mga sariling hinaing sa buhay na hindi ko na nagagawa pang purihin ang ganda ng kalikasan.

Sabi nila, isa sa mga paraan daw para panandalian mong makalimutan ang bigat sa isip at puso mo, kailangan mong pumunta sa isang tahimik na lugar kagaya ng dagat. At some part of me, I think the calming sound of the sea waves slamming the shore, the view of the birds flying synchronically across the tangerine sky and the coconut trees slowly dancing by the soft whisper of the wind from afar are indeed something that can take anyone's stress off.

Panandiliang makakalimutan... pero hindi mawawala.

"Mummy! Join us!"

Naagaw ng sigaw na iyon ni Dashiel ang atensyon ko mula sa pag-a-abot tanaw. Dumako ang mga mata ko sa kanya na nagtatampisiw ng tubig hindi kalayuan sa akin. There's a shadow of happiness tickling his face while looking at me. Nakakunyabit siya sa leeg ni Christian na masuyong nakaalalay sa kanya. He's also looking at me, a smile was etched on his lips.

Kumaway ako at ngumiti. "I'm fine here!"

"Mommy is such a killjoy, huh?" Christian teased.

Ngumuso ako, natatawa na rin. Halos magiisang oras na simula nang magpaalam sila sa aking lalabas at maliligo habang ako ay nasa loob lang ng kwarto namin. We're on Siargao for a three day vacation. Christian planned everything about this. Ang sabi niya, isa raw ito sa anniversary gift niya sa akin. Matagal na dapat naisagawa ngunit ngayon lang natuloy dahil sa dami ng nangyari.

After of everything that happened for the past months, I seriously needed this. And tomorrow, we have to go back to reality since today is our last day here.

Naupo ako sa buhangin, itinuwid ang mga paa habang nakatingin sa kanila. They continued playing with the water. It's fluttering to see Christian having that genuine smile on his face while looking at my son. Ramdam ko ang pagmamahal niya rito kahit pa alam niyang hindi naman ito sa kanya. He treated my son like he's mine and I couldn't thank him enough for that.

Sana natuturuan agad ang puso. Sana noon pa lang, natutunan ko nang mahalin si Christian. Sana nagawa akong dalhin ng kabaitan niya sa akin. Sana nagawang hugasan ng pagmamahal niya ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Daniel.

Hindi ako sigurado kung handa akong tumanda kasama siya nang walang pagmamahal na nararamdaman. Pero umaasa ako, naniniwala ako, na dadating ang araw na gigising na lang ako at nakaabante na mula sa nakaraan... na sa wakas, mahal ko na rin siya.

Sana.

Hindi rin nagtagal at umahon sila ng dagat. Holding Dashiel in his right hand, Christian looks like a living Adonis in his navy blue board shorts, all topless and water dripping from his body. The rays of the sun are dramatically hitting his upper extremities, making him look ridiculously sexy and appealing. Bumaba ang mga mata ko sa binti niya, ang mga buhok roon ay kalmado dahil sa pagkakayakap ng tubig dagat.

"Mummy, why you didn't join us? The wowter is so cowld!" Dashiel giggled that made me look at him.

I smiled. "Mummy doesn't know how to swim."

Monasterio Series #2: After All Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon