Nandito ka lang pala, hanap ako ng hanap sa'yo.
Yeah...
Kanina ka pa dito?
Not quite. May kailangan ka?
Meron sana pero mukhang hindi mo ako matutulungan. Hindi umaalis ang tingin mo sa kanya. Ni hindi mo nga ako nilingon man lang nang binati kita.
Sorry, Jov.
Okay lang. Alam ko namang wala akong laban sa kanya kahit saan anggulo ng pagmamahal mo.
Jov, please, let's not go back to the past.
I'm sorry 'Ly, hindi ko lang maiwasang isipin na kung hindi sana tayo naghiwalay, hindi ka magkakaganyan. I'd make sure you'll always be happy with me.
Jov...
But as you always say, hindi natuturuan ang puso. Your heart beats for someone and unfortunately, hindi ako. Hindi akong best friend mo since kinder.
Best friend ko rin siya since kinder, Jov. The three of us were best of friends since we learned how to say ABC. And unfortunately for me too, hindi ako kayang mahalin ng best friend ko kasi...kasi babae ako. Pareho kaming babae. Hindi ako puwedeng mahalin ni Den.
Kaya nagkakasya ka na lang na mahalin siya sa malayo, ganun ba?
Hindi ko siya puwedeng mahalin nang malapitan, Jov, dahil umiiwas na siya sa akin mula noong...mula noong nagtapat ako sa kanya.
Kaya pala hindi ko na kayo nakikitang magkasama. Paano sa dorm ninyo? Hindi ba magkasama kayo sa kuwarto?
I left the dorm. And I quit volleyball.
Alyssa?!
Wala na rin namang silbi. My injury, though temporary, will take years bago gumaling. Maybe a year, or two? I don't care anymore. Wala na rin namang dahilan para maglaro pa ako. Ang tanging dahilan bakit ako naglalaro ay nilalayuan na ako. So, para saan pa ang ipagpatuloy yon, di ba?
Pero paano ang career mo?
I don't care about my career Jov! Den is all that mattered to me. She's all that matters to me. At ngayon, wala na siya. Wala na 'yong labinglimang taong inipon kong pagmamahal para sa kanya.
Ganun lang? Basta ka gi-give up? Asan na yung kaibigan kong hindi nauubusan ng positivity sa katawan? Yung hind nawawalan ng pag-asa?
Have you ever noticed Jov, in all the times I talked about my life, my plans, my future, lagi kong isinasama si Den? Did you notice that at all? They're all gone , they all crumbled. So, what are my plans for? What are my hopes for? What is my future for? You tell me, Jov, please tell me.
She felt her friend's embrace afterwards.
Honestly, I don't know. Ibinigay mo lahat ang buhay mo sa kanya. Isinentro mo lahat ng pangarap mo sa kanya nang walang kasiguraduhan. I'm not blaming you, Alyssa. Ikaw yan, ikaw ang nag-decide kung paano ang gusto mong mangyari sa buhay mo. Pero hindi pa naman huli ang lahat di ba? Bata ka pa. Bata pa tayo. Maraming-marami pa ang puwedeng mangyari sa buhay natin. Siguro, hindi talaga para sa atin ang mga gusto natin. And somehow, we have to thank God kasi ipina-realize Niya sa atin nang ganito kaaga, so we can move on, we can face new life, new possibilities. Maybe Dennise was not meant for you as you were not meant for me. Maybe, the three of us we're just meant to be just friends. Masyado tayo na-focus sa isa't isa, we forgot, bilyon pa pala ang nasa paligid natin and still growing. You may have to give up on her but never give up your life.
BINABASA MO ANG
Songs
FanfictionIn a world where there's No Love Boundary.... Where Everything is Accepted by the Society.... Where Relationship Happens Because it is Meant To Be..... Where You and I still Have No Certainty.....