"Guro"

93 1 0
                                    

Sila yung mga taong kahit maguumaga na gising pa rin
Tinatapos yung mga dapat tapusin na gawain
Tapos inyong babaliwalain
Minsan pa nga'y di na nakakakain
Sa sobrang daming tatapusin
Di na alam kung ano ang uunahin
Maraming dala sa pagpasok sa eskwela
Madaming libro ang kanyang dala-dala
Minsan pa nga'y nababangga ng estudyante nya
Pero walang tumutulong ni-isa kapag ang kanyang dala ay nabagsak na
Masakit man sa damdamin pera nya'y nauubos para sa amin
Di man sya makakain
Ng masasarap na naihahain
Ay masaya naman sya na nakakatulong sa amin
Mga materyal na bagay na kanya dapat kukunin pero isasantabi nalang at sasabihing "sa susunod nalang uli"
Dahil maraming gastusin
Madaming gamit na kakailanganin
Para sa demonstration namin
Sya'y magtyatyaga magsalita kahit kumakalam na ang sikmura
Sya'y tatayo sa harapan upang kami'y turuan
Kahit na minsa'y walang pumapasok sa aming isipan
Gusto ko lang magpasalamat sa aking gurong nagsipag
Para lamang aking mga pangarap ay matupad
Aking gurong matyaga maraming salamat
Sa iyong pagaaruga at pagaalaga.

Spoken Poetry/Words & Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon