"Babae ako hindi babae lang"

73 1 0
                                    

Ako yung babaeng hindi pangrampa.
Para maipakita sa iyong tropa.
Maipakita lang na may girlfriend sa tropa.
Kapag nakuha na ang gusto ay babaliwalain na.
Ipapamigay sa iba.
At ang pinakamasaklap pa sasabihan ka ng kung ano-ano.
Akala mo naman kung sino.
Gusto ko lang sabihin na babae ako.
Hindi babae lang.
Babae ako na dapat nirerespeto.
Hindi binabastos.
Ano man ang suotin ay wala na kayong pakialam.
Babae ako na liligawan sa personal at hindi lamang sa chat.
Ipapakilala sa magulang.
Ipagmamalaki sa kahit na sino man.
Hindi mamaliitin dapat pa nga'y ipagmalaki.
Dahil kaming mga babae ay handang mahalin kayong mga lalaki.
Kahit na ang alam nyo lang ay saktan at iwan kami.
Tandaan nyo babae ako at hindi babae lang.
Babae ako.
Inaalagaan at hindi sinasaktan.

Spoken Poetry/Words & Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon