wala na nga palang tayo

39 0 0
                                    

Anong oras na pero gising pa din ako
Inaantay ko yung mga chat mo
Anong oras na kasi pero wala pa rin akong natatanggap mula sayo
Parang dati lang ay sunod sunod ang pagtunog ng cellphone ko
Dahil sunod sunod din ang pagtipa mo sa cellphone mo
Pero parang may nakalimutan ako
Oo nga pala at wala nang tayo
Pasensya na kung umasa ako na ichachat mo uli ako
Kasi nagiintay ako
Akala ko din kasi na babalikan mo ko pero hindi na nga pala
Kasi may bago na
Dalawang araw pa lang na nagkahiwalay tayo
May pumalit na
Nakakatawa lang isipin na nagiintay ako sa wala
Sa taong may pinagtutuunan na ng pansin nya
At nakakainis lang kasi sa lahat na pwede mong ipalit sakin ay yung pinagseselosan ko pa
Pwede nanang humanap ng iba
Pre nakakabastos para sakin
Kasi sabi mo hinding hindi ka magkakagusto sa kanya
At wala kang balak na ligawan sya
Pero kung san ka sasaya
Dun na rin ako
Paalam na

Spoken Poetry/Words & Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon