Para sa lalaking nakilala ko noong 2018

28 0 0
                                    

Hi! Di pa rin kita makalimutan kahit ilang buwan na ang nagdaan pagkatapos nating lisan ang buhay ng isa't isa siguro ganto talaga dahil mahal kita. Pero nakakatawa lang kasi ikaw nakalimot na habang ako binabalikan ang mga masasayang araw nating magkasama kahit minsan ay nagkakapikunan na. Alam kong dapat na kitang kalimutan pero di ko talaga kaya. Masaya ka na ngayon kasi yung taong pinapangarap mo lang dati makukuha mo na ngayon. HAHAHAHA pesteng kupido naman kasi tayo pa yung tinamaan ng pana nya. Sa bawat buwan patuloy ko pa ding pinagdiriwang ang ating pagmamahalan. Kahit ako na lang ang umaalala. Maging masaya ka sana sa piling ng bago mong kinakasama. Tandaan mong mahal na mahal kita at kung hiwalayan ka man nya wag kang magalala may babalikan ka pa sakin kapag naisipan mo.

Spoken Poetry/Words & Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon