pagkakamali

57 0 0
                                    

Ako'y nandidiri sa aking sarili
Dahil ramdam ko pa ang iyong mga kapit at pagdampi ng iyong labi sa aking katawan
Ako'y nanginginig dahil sa aking sinapit

Sa iyong mga kamay na mapagsamantala
Kaya ganun na lamang iyong mga titig
Tila ba ako ay iyong hinuhubaran sa iyong isipan

Hindi ako nagkamali
Dahil sa pagsapit ng aking kaarawan
Doon din nangyari
Ang pambababoy mo sa aking katawan
Na di ko lubos maisip na iyong magagawa
Tinuri kitang aking kapatid
Ngunit tinuri mo kong parausan
Na sa tuwing iyong katawa'y naiinitan
Ako'y iyong gagamitin
Sa marahas na paggalaw ng iyong labi
Aking luha'y nagbadya
Di ko naman alam na ito ang kahahantungan ng iyong naramdamang kapusukan sa aking katawan
Tinuri kitang kapatid pero ito ang iyong ginawa
Wag kang magalala kahit na ito ang nangyari
Nirerespeto pa rin kita kahit na sinira mo ang aking buhay
Ay mahal pa rin kita
May nabuo mang bata sa aking sinapupunan
Na isang pagkakamali lamang
Ay aking iingatan
Hindi ko ipaparamdam na siya'y isang pagkakamali lamang

Spoken Poetry/Words & Hugot LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon