FIVE
Kumurap ako ng ilang besis, nakatitig pa rin si Cameron sa akin hinihintay niya ang magiging reaksyon ko at hinihintay ko naman ang joke niya..
Naghintayan kami hanggang sa hindi ko na kaya ang paninitig niya at binaling ko ang tingin sa box.
"Anong isang kondisyun? Baka nakakalimutan mo na akin ang Journal na iyon hindi ko kailangan ng isang kondisyun para kunin sayo yun!"
Agad gumala ang tingin ko sa kwarto niya at nagbabaka sakaling makita ko ang itim na leather notebook ko, pero walang kahit isang notebook akong nakita.. natuon ang tingin ko sa mga box na nasa likod ni Cameron bago bumalik sa kanyang mukha tinaasan niya ako ng kilay.
"Well then.. when I met this Jandro.. maybe I can have a words with him--"
Nagkibitbalikat siya, tinignan ko siya ng masama. Bago pa siya maka kilos ay mabibilis ang hakbang ko palapit sa kanya hindi ko ininda ang sakit sa biglaang pagkilos.
Pero bago ko pa man mahawakan ang box ay nahuli na niya ako, mahigpit na hinawakan niya ang aking dalawang kamay.
"I don't think so"
"Akin na kasi!"
Kumawala ako pero lalo lang humihigpit ang hawak niya sa dalawang kamay ko, magkaharap na kami habang pinipilit kong kunin ang kamay mula sa kanya.
"Aray!"
Ngumiwi ako ng maramdaman ang kirot sa pwet ko, dahan-dahan akong umupo at dahan-dahan ring lumuluwag ang hawak ni Cam sa kamay ko hanggang sa hinayaan niya akong umupo.
"Err.. ayos ka lang---"
Bago niya matapos ang tanong ay mabilis akong tumayo at inabot ang box, nagawa kong buksan ang takip nun at nakita kong puro sketch book ang nandoon at walang itim na bagay pero hindi ko na nagawang halungkatin dahil pumulupot na ang braso ni Cameron sa baywang ko at tinaas ako ng walang kahirap-hirap.
"No.. no! Agatha.. just say yes and you can have your journal"
"No your face Cameron! Ibalik mo na sa akin ang journal ko! Magnanakaw ka!"
"I told you in one condition"
Sabi niya habang naglalakad palabas ng kwarto, hindi ako makagalaw dahil ang kamay ko ay nakadilit sa aking katawan habang nakapulupot ang braso niya sa akin at dinidikit ako sa dibdib niya.
"Magnanakaw ka!"
Ibinaba niya lang ako ng nasa labas na kami ng kwarto niya agad akong humarap, mabilis naman niyang sinara ang pinto ng kwarto at tumayo sa tapat nun para harangan ako, matalim ang tingin ko sa kanya at mabilis ang paghinga ko samantalang parang wala lang sa kanya ang pagkarga sa akin!
"Hear me out--"
"Tapos ginagamit mo iyon para iblackmail ako? Isusumbong kita.."
Wait.. Tunog bata naman yata ako. Ngumisi si Cam ng makita ang pag-aalinlangan kong dugtungan ang sinasabi. Pumikit ako ng mariin at kinalma ang sarili.
"Okay.. anong kondisyon?"
Hindi pa rin ako dumidilat ng tinanong ko iyon. Hindi ako makapaniwalang mas inaalala ko pa ang pagiging tunog bata keysa sa gusto ng lalaking ito, obviously wala siya sa posisyon para humingi ng kahit ano sa akin!
Napulot lang niya ang journal na iyon at kahit alam niyang sa akin yun ayaw pa rin niyang ibalik at gusto pa niyang gamitin yun para pumayag ako sa kung ano man ang binabalak niya?
At obviously wala rin akong magagawa, kung hindi ba naman ako kalahating tanga dapat sinigurado kong ibalik sa lalagyan ko ang Journal ko!
"Simple lang.. ipagluto mo ako ng tanghalian every weekdays"
BINABASA MO ANG
Agatha's Came (Complete)
RomanceAkala ni Agatha mananatili nalang sa kanyang Journal ang pagkakagusto niya sa kanyang best friend na si Jandro, akala niya makakalimutan rin niya ito lalo pa at may Alex na ito, desidido na siyang gawing lihim ang lahat hanggang sa biglang nagbago a...
