NINETEEN
"Ayos na ako ma"
Lunes ngayon at umalis kagabi si Papa papuntang Cebu samantalang ngayong umaga naman aalis sina Mama papuntang Camp Juan, ayaw pa akong iwan ni Mama dahil kagagaling ko lang sa sakit at dalawang araw akong nakahiga lang sa kama pero pinilit ko siyang pumunta at nangakong mag tetext ako sa kanya oras-oras.
"Sumama ka nalang kaya?
"Tumawa ako habang umiiling pero yung dalawang kapated ko ay sabay namang tumango, pinandilatan ko sila ng mata at umiling.
"May pasok ako.. at marami na akong absent kaya hindi pwede"
"Wag ka munang pumasok ngayon.. sinabihan ko na si Cassie na dalawin ka dito kung may kailangan ka pumunta ka sa kanya ha Aggie?"
Nasa labas na kami at hinihintay nalang namin ang susundo sa kanila na kaibigan ni Mama, Mommy yata ng kaklase ng dalawa at sabay silang pupunta ng school kung saan naghihintay ang bus na sasakyan nila papuntang Kampo Juan.
"Oo na.."
Hindi na ako nakipagtalo sa bagay na iyan dahil ang may titingin lang sa akin ang dahilan kung bakit pumayag si Mama na iwanan ako.
Pero iniisip ko pa lang na pupunta si Tita dito ay tumatalon na ang puso ko, dapat kumalma na ako dahil dalawang araw akong hindi pumasok tapos may weekend pa na wala rin naman akong ginawa kundi isipin ang mga nangyari kaya dapat ayos na ako.
Narinig namin ang pagdating ng sasakyan, huminto yun sa harap ng bahay medyo madilim pa kaya hindi ko makita kung anong klasing sasakyan yun.
"Aggie.."
Nag-aalalang tawag ni Mama sa akin, tumawa ako para ipakitang ayos lang ang lahat at ayos lang na iwanan nila ako dito.
"Sige na Ma, ayos nga lang ako!"
Bumuntong hininga si Mama at niyakap nalang ako ng mahigpit, nung binitiwan naman niya ako ay sabay na lumapit sa akin ang kambal at sabay rin akong niyakap, naiiyak na naman ako bakit ba pakiramdam ko hindi lang ito tungkol sa pag-alis nila kundi pati na rin sa pananahimik ko at wala sa sarili nitong mga nakaraang araw.
"Dadalhan ka nalang namin ng Smores ate!"
Nakangiting kumaway si Addi bago sila pumasok sa kotse, kumaway ako at pinagmasdan ang pag-alis ng sasakyan, nung hindi ko na sila makita at wala na akong marinig sa paligid kundi kuliglig at mga insekto nalang syaka pa ako gumalaw sa kinatatayuan ko, napalingon ako sa kabilang bahay.
Guni-guni ko lang bang gumalaw ang kurtina ng veranda nila?
Hays..Ano ngayon kong gumalaw? May nakatira naman diyan kaya malamang may gagalaw talaga at syaka siguradong gising na si Cameron ngayon at tumatako na siya.
Gusto kong tumakbo ulit pero hindi pa ngayon.
Wala akong magawa sa bahay kundi manood ng movie at kumain, nag linis ako at ng pinagpawisan ay naligo na ako, nung unang araw na umabsent ako maraming text na dumating, namangha nga ngayon ko lang na realize na nagkaroon pala ako ng mga kaibigan sa loob lang ng maikling panahon..
Pinapapasok na ako ni Kiana dahil gaganti daw kami, napangiti lang ako siguradong narinig na niya kung anong nangyari maraming tao dun at inaalala ko pa lang nakakahiya na.
Si Greg rin, hindi ko alam kung bakit ako ang kinakampihan niya pero sabi niya hindi pa sila nag-uusap hanggang ngayon ni Jandro.
At si Jandro.
Araw araw sinusubukan niya akong tawagan, nung unang araw na umabsent ako kinagabihan ay bumisita siya pero hindi ko siya hinarap bukod sa ayaw ko pa siyang makita hindi pa ako makabangon ng hindi na hihilo nun.
BINABASA MO ANG
Agatha's Came (Complete)
RomanceAkala ni Agatha mananatili nalang sa kanyang Journal ang pagkakagusto niya sa kanyang best friend na si Jandro, akala niya makakalimutan rin niya ito lalo pa at may Alex na ito, desidido na siyang gawing lihim ang lahat hanggang sa biglang nagbago a...
