ELEVEN
Nang masiguro ko ang pagkakatali ng aking buhok sa isang maayos na bun ay bumaba na ako, hindi pumasok si Mama ngayon dahil aasikasuhin niya ang enrollment ng dalawa samantalang magpapa-enroll naman ako.
Nung makita ako ni Mama ay umikot ang mga mata niya, sinusubukan niyang ipasuot sa akin ang mga binili niyang dress na ginamit ko para takpan ang journal ko na nakatago na ngayon sa pinakasulok ng aking kabinet.
"Kids! Tara na!"
Naka suot ako ng pink na tshirt na may naka lagay na I am Rebel at maong pants na medyo maluwag sa dulo. nag-unahang bumaba sina Addi na parehong naka suot ng black shirt, hindi ko maintindihan ang dalawang to, ayaw nila sa isa't-isa pero ginagaya naman nila kung anong sinusuot ng isa dahilan kung bakit pinagtitinginan sila lagi at syempre advantage sa akin dahil hindi ako napapansin.
"Ate, hindi ba sasama si Kuya Cam?"
Tanong ni Adam palabas na kami at parehas kaming napatingin sa kabilang bahay, wala na naman ang kotse ni Tita Cassie event organizer kasi si Tita at kapag may client siya kinakailangan siya lagi na pumunta at manatili hanggang sa matapos ang event madalas daw seminar at party ang inoorganize nila sabi ni Mama.
"Next day pa yata"
Hindi naman niya sinabi kung kailan talaga niya ipaprocess ang papel niya dapat nga maaga niyang gawin yun tingin ko mahirap kapag transferee ka.
"Puntahan natin siya mamaya"
"Kids.. baka magsawa na si Kuya Cam ninyo sa inyo araw-araw nalang, hayaan niyo naman siyang mag-isa kahit ngayon lang at baka may gusto siyang gawin ngayong araw"
Binuksan na ni Mama ang kotse, pumasok ako sa tabi ng driver.
"Pero ano naman ang gagawin ni Kuya na mag-isa?"
Tanong ni Addi nung nakapasok na rin sila, Oo nga ano naman ang gagawin ni Cam na mag-isa? Next week may pasok na sigurado akong huli na para humanap siya ng magandang gawin ngayong summer..
"Hindi ko alam Addi.. hayaan niyo na"
Nang naka kuha na ako ng PRF ay pumila na ako habang nag fifill-up ng aking information, ayaw kong magtagal dito mas gusto kong tumambay sa grade school keysa makinig sa tawanan ng mga tao sa paligid.
"Nasaan na ba yung sira-ulong yun!"
Nilingon ko si Kiana Valdez na nakasunod sa akin, hindi ko alam kung paano niya napakiusapan ang Faculty kanina para bigyan siya ng dalawang form para sa boyfriend niyang si Liam Francisco pero dahil siya si Kiana nagawa niya.
"Ikaw nalang kaya ang mag fill niyan?"
Suggestion ko dahil hindi na siya mapakali, malapit na kami sa counter na papasahan namin nito para mabigyan na kami ng schedule pero wala pa rin si Liam pati ako ay lumilingon na sa paligid at baka makita ko ang matangkad na lalaking yun, tatlong taon ko na silang classmate, si Liam ay una kong nakilala noon pa dahil parehas kami ng grade school.
"Agatha.. girlfriend lang ako hindi ako nanay.. paano ko malalaman ang buong pangalan ng nanay niya o ang student number niya? Yung akin nga sampong taon kong pinag-aralang kabisaduhin"
Ang shoulder length na buhok ni Kiana ay may highlight na pula sa gilid at violet sa kabila, isa siya sa mga kaklase kong maituturing na kaibigan until dumating na sa picture ang boyfriend niya at hindi na siya makakausap ng matino, para bang may sariling mundo ang dalawa kapag magkasama..
"Eh di.. etext mo yung hindi mo alam"
"No Way! Hindi nga ako nanay no! Kung hindi siya dadating ngayon bahala siya!"
BINABASA MO ANG
Agatha's Came (Complete)
RomanceAkala ni Agatha mananatili nalang sa kanyang Journal ang pagkakagusto niya sa kanyang best friend na si Jandro, akala niya makakalimutan rin niya ito lalo pa at may Alex na ito, desidido na siyang gawing lihim ang lahat hanggang sa biglang nagbago a...
