Chapter 18

132 8 0
                                    

EIGHTEEN

"Umiyak ka o wala kang tulog?"

Tanong ni Kiana ng pumasok ako, kanina ay tahimik pa rin si Cameron pero nakita ko kung paanong nagulat siya ng makita ang itsura ko ilang segundo kong hinintay kung anong sasabihin niya pero tiniikom lang niya ang bibig niya mabuti yun dahil hinid ko rin alam kung sasabihin ko ba ang totoo, diba sabi ko naman malaki ang mata ko kaya kapag umiyak ako siguradong mahahalata kahit isang kilometro pa ang layo mo mula sa akin.

"Napuyat ako"

Sagot ko na totoo rin naman, tahimik akong pinagmasdan ni Kiana na para bang inaalisa niya ang mukha ko, iniwas ko ang tingin sa kanya at pinagkaabalahan ang game na galing rin naman sa kanya.

"Uhh.. bakit magkasama ang mga yan?"

Bulong ni Kiana kaya nag-angat ako ng tingin, unang naglalakad sina Pia at Cameron nakasunod naman si Jandro at Alex nasa likod nila sina Greg na agad kumaway sa akin, ngumisi rin si Jandro pero ang gusto kong pumansin sa akin ay hindi man lang nakuhang lumingon sa banda ko at basta nalang umupo sa kanyang upuan.

Kumunot ang noo ko at binalik ang tingin sa nilalaro pero wala na roon ang isip ko.

Busy na ako sa pag pigil sa sakit na ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko, para bang pinipiga ng kung ano ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga kinailangan kong ibuka ang bibig para ilabas ang hangin na naipon sa dibdib ko.

Kumurap ako ng ilang besis dahil naiiyak na naman ako.

"Okay.. nakuha ko na"

Narinig kong bulong ni Kiana sa gilid ko pero hindi ko na siya magawang lingunin dahil natatakot ako na baka magsimula na naman akong umiyak.

Hindi ko alam kung paanong nakuha ni Kiana gayong wala naman akong sinasabi sa kanya tungkol sa nararamdaman ko, ako nga hindi agad nakuha, basta pagkatapos ng klase namin ay agad niya akong hinila palabas.

"Mas okay na una kang mang iwan kahit mahal mo ang isang tao dahil doble ang mararamdaman mong sakit kung ikaw ang unang iniwan at pagmasdan mo silang tinatalikuran ka"

Binulong niya, hindi ko nakuha ang ibig sabihin nun pero kahit papaano na gets ko kung bakit una kaming lumabas ng classroom umiling nalang ako sa kanya at the same time lihim na nagpasalamat.


"Ang daming nanood kahapon sa practice niyo, siguradong easy na ang magiging laro niyo"

Sabi ni Liam kay Cameron, tahimik akong nakikinig sa kanila at paminsan minsan ko rin silang tinitignan, nakakapagtakang tahimik rin si Kiana sa tabi ko.

"Let see"

Simpling sagot ni Cameron, habang tinitiganan ko siya ay nakikita kong hindi naman siya masaya, hindi ko na nakikitang ngumingiti siya katulad ng dati kaya kung hindi naman pala niya gusto bakit pa niya pinipilit ang sarili? 

Bumalik nalang sana siya sa dati.

Ilang ulit kong sinulat yun sa Journal ko kinagabihan.

Araw-araw na ang practice nila kaya hindi na kami sumasabay sa kanya pauwi at kapag papunta naman tahimik lang siya buong byahe at sumasagot lang kapag kinakausap ng kambal.

"Last practice namin ngayon bago ang friendly game sa ibang school manood ka naman uhh"

Bahagya kong tinulak si Jandro palayo sa akin dahil naglalakad kami, nakaakbay siya sa akin kaya na hihirapan akong maglakad.

"Titignan ko, alam mo naman na susunduin ko pa ang mga kapated ko diba"

Hinalukay ko ang bag ko para tignan kung nasaan si Snow, kanina ko pa siya hinahanap pero wala akong makita baka may text si Mama.

Agatha's Came (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon