FOURTEEN
Nag paalam muna ako kay Cameron na magbabanyo pagkatapos naming ubusin ang gabundok na pagkain, sobrang nabusog ako hindi ko namalayan habang kumukuha na marami na pala ang pagkain na nalagay ko sa pinggan namin at syempre tatakas ako para siya na ang umubos nun lahat.Papasok na sana ako sa banyo ng marinig ko ang pangalan ko.
Nilingon ko ang pinanggalingan ng bosis at nakita ko si Pia na naglalakad palapit sa akin, nakangiti siya kaya ngumiti rin ako, wala akong maisip na dahilan kung bakit siya lumalapit sa akin kaya nagdadalawang isip ako kung aalis ba o mananatili since hindi ko naman alam kung sa akin ba siya may kailangan o baka sa banyo pero dahil papunta siya sa direksyon ko ay hinintay ko siyang makarating sa akin.
"Aggie Hi"
Nakangiti siya ng matamis sa akin, binalik ko rin ang ngiti niya pero malayo na ang narating ng isip ko, may kailangan ba siya sa akin? May sasabihin? Baka kailangan niyang gumamit ng banyo at nakita niya ako kaya tinawag nalang niya ako--
"Sorry.. hindi tayo pormal na nagkakilala.. kaya hindi ko alam kung.. ayos lang bang itanong sa'yo ito"
Medyo nabigla ako ng makitang nahihiya si Pia, hindi siya makatingin sa akin ng diretso at iniisip ko na wala nga pala akong sinagot kaya malamang naghihintay siya ng sasabihin ko--, bakit ba ang weird ko sa ibang tao?
"Tungkol kay Cameron.. gusto ko sanang itanong kung may number ka niya?"
Napaawang ang bibig ko at ilang sandaling napatitig kay Pia, lumaki ang mata niya ng makita ang reaksyon ko at agad siyang namutla.
Ahh..
"Oh my God sorry! Sabi kasi ni Alex hindi daw kayo kaya nag assume ako na hindi, sorry talaga Aggie--"
Umiling ako at inayos ang itsura, ano bang nakita niya sa mukha ko at inakala niyang kami ni Cameron? Ito na naman tayo sa akala ng mga tao.
"Magkaibigan lang naman talaga kami ni Cameron kaya wag kang mag-alala.."
Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Kiana na alamin ko kung anong nararamdaman ko at bakit ko naman yun iisipin ngayon.. pero paano ba yun gawin? Nakahinga ng maluwag si Pia.
"Hindi kayo? May girlfriend ba siya?"
Umiling ako, pero nagsisi agad ako nung ngumiti si Pia, hindi pala ako sigurado paano kung meron siyang naiwan sa kanila? Bakit ba kasi ako sumasagot na hindi ko pinag-iisipan.
Kasi Agatha natataranta ka.
"My Gosh.. sorry Aggie ahh, sobrang gusto ko kasi si Cameron.. pwede ko bang kunin ang number niya, nakakahiya kasi kung sa kanya ako hihingi.."
Napakamot ako sa noo, nakalimutan na yata ng matris ko na naiihi siya. Hindi ko ma imagine na pwede palang babae ang gumawa ng unang hakbang sa mga ganito? Baka nga iba lang ang tingin ko sa mundo keysa sa ibang tao.
"Meron.. kaya lang hindi ko kabisado ehh wala sa akin si--- ang cellphone ko"
Bumaba ang tingin ni Pia sa damit ko, hindi katulad niya na may suot na sling bag wala akong dala kahit ano tingin ko hinahanap niya ang cellphone ko.
"Ahh.. ganun ba"
Dismayadong sabi niya pero sandali lang yun dahil biglang ngumiti siya ng malaki at mabilis na binuksan ang kanyang bag, naglabas siya ng maliit na notebook at ballpen at mabilis na nagsulat, pagkatapos ay pinunit niya iyon at nakangiting inabot sa akin.
"Number ko, pwede mo bang etext sa akin at syaka gusto ko rin na makuha ang number mo" Tinanggap ko ang papel at tumango.
"Yes! Thank you Aggie!" Bigla akong niyakap ni Pia sa gulat ko ay hindi ako nakagalaw.
BINABASA MO ANG
Agatha's Came (Complete)
RomansaAkala ni Agatha mananatili nalang sa kanyang Journal ang pagkakagusto niya sa kanyang best friend na si Jandro, akala niya makakalimutan rin niya ito lalo pa at may Alex na ito, desidido na siyang gawing lihim ang lahat hanggang sa biglang nagbago a...