Chapter 1

447 10 0
                                    

One

.. kapag naman may magandang nangyari sa kanya ay sa ibang babae siya tumitingin para bang tuwing nahihirapan lang siya syaka niya ako napapansin..

Bumuntong hininga ako pagkatapos tuldukan ang sinulat sa aking Journal

Wala sa sariling tumingala ako buti nalang makapal ang ulap kaya hindi masyadong mainit kahit summer ay malamig dito sa amin napapalibutan kasi kami ng bukid at nasa mababang part ng Bukidnon kaya malamig lage lalo na tuwing umaga at nababalot ng fogs ang buong lugar.

 Ginala ko ang tingin sa bakuran ng kapitbahay namin na kinaroroonan ko, mas gusto ko ditong tumambay bukod sa walang tao ay may swing pa.

Mahaba na ang mga damo halatang walang nag-aalaga, narinig ko sina Mama na nag-uusap tungkol dito last Month may bagong nakabili na raw sa bahay na ito at lilipat na sila, hindi ko lang alam kung kailan since hanggang ngayon wala namang bumibisita para tignan ang bahay.

Dalawang palapag ang bahay katulad ng sa amin pero may veranda ang second floor nila habang sa amin wala, brown at dirty white ang kulay mas maganda keysa sa boring na white paint ng bahay namin, yung mga bintana naman sa baba ay dalawang malalaking tented glass samantalang sa amin apat na maliliit at tinatabunan lang ng manipis na salamin at makapal na kurtina kung magkakaroon ako ng bahay gusto ko ganito .

Pagkatapos ng ilang sandaling pag muni-muni ay bumaba ulit ang tingin ko sa kandungan ko, naka bukas ang Journal ko kung saan ko kinukwento ang kung ano-ano, pero this past few months iisang topic lang ang madalas kung sinusulat.

Tungkol kay Jandro..

Kung anong gusto niyang pag-aralan after graduation, kung gaano kasaya ang practice nila sa basketball, tungkol sa mga kinakain niya kung paanong nagka-asaran ang mga kasamahan niya, napupuno ang Journal ko sa dami ng mga kwento ni Jandro at kapag binabalikan ko ang mga page syaka ko palang mapapansin na wala akong nasulat tungkol sa araw ko kundi tungkol sa kanya lahat... hindi ko na naman siya makikita ngayong araw kasi sumama siya sa mga pinsan niya sa kabilang barangay siguradong gabi pa sila babalik..

Pamilyar na sigaw ang narinig ko mula sa bahay namin, gusto kong baliwalain pero habang tumatagal lalong umiingay sa bahay minsan nakakapagtakang ganyan kaingay sa bahay namin samantalang tatlo lang naman kaming anak nila Mama at talagang hindi masyadong umiimik si Papa hindi sila madalas nag-aaway ni Mama kaya walang sigawan na nangyayari pero kasi.. ang ingay sa bahay namin umaabot sa kabilang bayan feeling ko nga naririnig na sila sa Munisipyo ngayon ehh.

Isang minuto lang ang kinaya ko at padarag na akong tumayo mula sa duyan, huminga ako ng malalim at naglakad na pabalik sa dinaanan ko kanina.

May sira ang bakuran na nag hihiwalay sa bahay namin at sa bahay ng kapitbahay namin kung saan ako dumadaan, gawa lang sa kahoy ang bakuran kaya madaling masira at hindi rin naman pinapaayos nila Mama kasi mabait naman ang dating nakatira dito kaya walang problema.. ewan ko lang sa bagong naka bili ng bahay.

Sumuong ako sa pagitan ng dalawang sirang kahoy at agad na akong nasa loob ng bakuran namin, may naka sandal na Dog House sa pader namin na ginagamit ko para itago ang mga bagay na kailangang itago gaya nalang nitong Journal ko, sa loob ng Dog house ay may plywood na nagsisilbing kisame ng bubong at doon ko inilagay ang journal ko.

My Perfect Secret hiding place.


"PAPATAYIN KITA! AAHHHHH"

Naabutan kong nagliliparan ang mga notebook ni Adeline papunta kay Adam na nakatayo sa sofa at nakangisi habang winawagayway ang isang damit. Mabilis kong pinasadahan ang kalat na nasa sala mga sachet ng junk food, papel na punit-punit, malagkit na kung ano na isang tingin ko pa lang ayaw ko nang hawakan, yung mga upuan ay gulo-gulo at naalala ko ang bilin ni Mama bago sila umalis..

Agatha's Came (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon