Chapter 1: Dorm mate

1.9K 21 14
                                    

Isang malamig na hangin ang dumaplis sa aking mukha ng biglang naidilat ko ang aking mga mata.

Namalayan ko na bukas pala ang bintana ng aming room, kaya bumangon ako at binuksan ang ilaw.

At ng pagkabukas ko ng ilaw, nalaman ko na iniwan pala ako ng mga dorm mates ko.

“Walang hiyang mga kasama!” ang sabi ko sa Sarili.

I close the window at natulog ulit.

Mga limang minuto ang lumipas, naidilat ko na naman ang aking mga mata dahil may narinig akong parang may tumatakbo sa hallway ng dorm. Tinignan ko ang orasan at nalaman kong alas 3:00 pala ng umaga.

Hindi ako bumangon dahil sa pagkaka-alam ko, 3:00 am is a holy hour na kung saan namatay si Jesus at nagkaroon ng way ang mga evil spirits na gumala sa mundo. Kaya mas natakot ako at hindi na talaga bumangon.

Pinilit kung matulog pero hindi ako makatulog.

Isang tunog ng drill ang aking narinig sa kabilang kwarto at parang may na-aamoy akong langsa, parang dugo? Pero hindi ko nalang pinansin dahil nga  natatakot ako.

“Sino kaya yun?” tanong ko ulit sa Sarili.

I tried to close my eyes, ng biglang may naririnig na naman akong papunta sa kwarto ko. Palakad-lakad at parang hindi mapakali.

At bigla itong huminto sa tapat ng aking kwarto.

Bumangon ako at binuksan ang ilaw pero walang kuryente. Maliwanag ang buwan ng mga sandaling iyon, at parang ilaw na makikita mo yung buong sulok ng kwarto.

I open the window para may liwanag akong Makita pero ng binubuksan ko ang bintana ay narining kung unti-unting bumubukas  ang pinto.

Biglang lumamig ang hangin at tumindig ang aking balahibo.

I slowly turned my head.

At inaasahan kong may makikita akong multo, pero wala akong Makita dahil madilim.

Dahan-dahan kung hinakbang ang mga paa ko para e close yung pinto. Malapit na ako at hinawakan ko yung door knob. Nang pagkahawak ko ay biglang may malamig na kamay ang humawak sa kamay ko.

Tinignan ko kung sino, at nanlamig ako sa aking nakita. Isang lalaking duguan, may hiwa ang leeg at merong butas ang noo nito.

Gusto kung tumakbo pero hindi ko magawa, gusto kung sumigaw pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

I step backward pero lumalapit ang lalaki, kaya ng naigalaw ko na ang mga paa ko, tumakbo ako sa aking kama and I started to pray. When I open my eyes, wala na dun ang lalaki.

Kinabukasan, alas 8 ng umaga, nagising nalang ako na nagiiyakan na ang mga kasama ko sa room.

“Pare! Anong nangyari?” tanong ko sa kanila.

“Pare, wala kabang naramdaman o may narinig na kaluskos kagabi?” tanong sakin ng isa kung kasama.

Napaisip ako kung sasabihin ko ba sa kanila pero nagdalawang isip ako baka hindi nila ako paniwalaan kaya ang sagot ko nalang ay wala.

I insist at tinanong sila kung bakit nag-iiyakan sila. But instead of answering me, ay dinala ako ng isa kung kasama sa kabilang kwarto at pinakita ang nangyari.

Nandilat ang mga mata ko dahil minurder pala yung dorm mate namin. Mas niliapitan ko pa yung pinatay naming dorm mate at mas kinilabutan ako dahil yung multo na nakita ko ng gabing iyon ay yung dorm mate na namatay.

Ang kinimatay niya ay yung hiwa sa leeg at butas sa noo nito. Kinausap ko ang pulis at tinanong kung ano ang crime tool na ginamit at ito ang sabi niya:

“Drill yung ginamit ng suspect at drill din ang ginamit sa paghiwa sa leeg nito”

At napaiyak nalang ako.

++++

Isang Malagim na Gabi [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon