Chapter 6: Taong Grasa

571 4 0
                                    

Ngunit kahit na anong mangyari, ang pag-ibig sana’y maghari, sapat ng si Hesus ang kasama mo, tuloy na tuloy parin ang pasko. . . .”

“Mama, may nangagaroling po sa labas bigyan po natin ng pera at kendi”sabi ni Jun-jun sa inang si Sally.

“O sige anak, teka lang muna at kukuha muna ako ng pera sa itaas” tugon naman ni Sally sa anak.

“Merry Christmas!” sabi ng mga bata sa labas

At dali-daling binuksan ni Jun-jun ang pintuan para ibigay ang pera at kendi.

“Oh, heto na ang bigay naming ni mama sa inyu” ngiting sabi ni Jun-jun sa mga bata.

“Thank you! Thank you! ang babait ninyu, thank you . .”  

At umalis na ang nangangaroling.

Sa tapat ng bahay nila Sally, may isang tindahan na giba. May nakitang parang lalaking anino si Sally at dahil parang iba ang pakiramdam nito, bigla niyang pinapasok ang anak sa loob.

Gustong lapitan ni Sally ang lalaki,

Isang hakbang. . .

Dalawang hakbang . . .

Tatlo hakbang. . .

Ng biglang tumayo ang lalaki. May kalakihan ang pangagatawan, matangkad, at may bitbit na parang isang bag na basura.

Unting-unting umatras si Sally habang papalapit naman ang lalaki. Isang hakbang nalang pabalik si Sally ng biglang may natapakan itong plastic na cup. Napalingon dito si Sally at ng ibaling niya ang tinging sa lalaki, nanlaki ang mga mata nito, dahil kaharap na niya ang lalaki.

May lasog-lasog na damit, madumi at may amoy na din ito. Kaya natulak ito ni Sally at tumakbo papasok sa loob pero biglang sumigaw ang lalaki

“pahingi pagkain, sige na please, pahingi pagkain”

Biglang napahinto si Sally at nilingon uli ang lalaki. Nawala sa isipan niya ang takot at dun palang niya napagtanto na taong grasa pala ang kinatakutan niya. Ng ma-aninag ni Sally ang mukha nito, mahaba ang balbas at napaka-amo ng mukha, at dahil nagmamaka-awa ito na bigyan siya ng pagkain ay hindi nag-atubiling bigyan ito ni Sally.

“Halika muna sa loob manong, kain muna kayo, parang ilang araw na kayong hindi kumakain” at pumasok na sa loob ang dalawa.

“Manong, pasensiya kana huh? Kasi naman po nagulat ako sa inyu, natulak ko pa tuloy kayo”  paumanhing sabi ni Sally sa lalaking gutom na gutom.

Mga ilang sandali palang ay, humingi na ang lalaki ng tubig at dali-daling binigyan ito ni Sally. At biglang bumaba si Jun-jun at sabi;

“Mama, sino po siya?”

“Naku anak, ito yung lalaking nasa tapat ng bahay natin kanina, kawawa naman kaya pinakain ko muna dito sa atin” sagot ni Sally sa anak.

Nilapitan ni Jun-jun ang lalaki at bigla itong niyakap.

“Kawawa naman po kayo, okay lang po ba kayo manong?”

At nagulat si Sally sa ginawa ng anak.

“Anak, balik ka muna sa kwarto mo, kasi baka nagugutom pa si manong”

Aalis na sana si Jun-jun pero hindi ito binitiwan ng lalaki. At sabi niya

“Anak ko! Anak ko!”

Lalapitan sana ni Sally ang lalaki ngunit sinigawan siya nito

“Wag ka lalapit! Wag ka lalapit! Anak ko! Anak ko! Wag ka lalapit!” at naging hysterical ang lalaki.

Isang Malagim na Gabi [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon