Chapter 3 (Part 2): Black Bus "Ang huling Biyahe"

805 8 3
                                    

Tumalikod si Jake para tignan kung sino ang lalaki na nakatayo sa likod nila, dahan-dahan niyang tinignan ito, at ng nakita na niya ang mukha, nanlaki ang kanyang mga mata, sabay ngiti "walang-hiya ka! ikaw pala yan Bryan! tinakot mo ako, ano ginagawa mo jan?" sabay suntok sa may tagiliran "aray ko naman jake! eh kasi narinig ko kayo ni Rico na pinag-uusapan ang black bus at parang exciting yung gagawin niyong g~h~o~s~t h~a~u~n~t~i~n~g!! hehehe" pabirong sabi ni Bryan. "Amaw ka talaga! (ang word na "AMAW" ay karaniwang  ginagamit ng mga bisaya dito sa Bukidnon, ito ay isang expression na ang kasing kahulugan ay "Loko-loko" ) anong exciting? creepy nga eh, matagal ko na itong gustong sabihin sa inyu kaso nga lang ay baka sasabihin niyo lang na niloloko ko kayo" sagot ni Rico sa dalawa. "Okay sige, ngayong gabi 3 tayong matutunghayan ang kababalaghan ng BLACK BUS na yan" tuwang sabi ni Jake sa dalawa.

Mag-aalas 10 na ng gabi, hindi parin dumadating ang bus, marami na ang dumaan pero kahit isa dun walang black na bus na kanilang nakita. Panay ring ang cellphone ng 3, patunay na marami ng nag-alala sa kanila. Kaya naman naisipan nalang ni Jake na imbetahan ang dalawa na dun matulog sa boarding house niya. "Mga pare, baka aabutin na tayo dito ng umaga, walang pa talagan bus, tignan niyo 10 missed call na ako ng land-lady namin" pag-alalang sabi ni Jake. "Okay sige, uwi nalang siguro tayo pareng Rico, baka ayaw ng bus sa mga gwapo, katulad naming dalawa, hahaha" pabirong sagot naman ni Bryan. "Pwede bang maghintay muna tayo dito saglit? Baka dumating na yun" nagmamaka-awang sabi ni Rico. "Naku pare! talagang hindi na pwede, at tignan mo, parang uulan na din at gabing-gabi na, doon nalang kayo matulog ni pareng Bryan sa boardign house ko" sagot ni Jake kay rico. "Ah, hindi pwede pareng Jake eh, siguro si pareng Bryan nalang imbetahan mo kasi marami akong gagawin bukas ng umaga, I really need to go home" seryosong sagot naman ni Rico sa kanya. "Naku dude, ang gabi na, tawagan ko nalang mama mo at sabihing dito ka muna magpapalipas ng gabi. Tutal naman, uuwi ka bukas ng alas 4, di ba?" sagot ni Jake sa kanya. "okay sige na nga, basta bukas ng alas 4 gigisingin mo ako huh?" "okay sige pare, walang problema". At umalis na silang tatlo sa waiting shed para umuwi na sa boardign house ni Jake.

At lumipas ang 6 na oras. . .

"CRRRIIINNG! CRRIIINNG!" tunog ng alarm clock ni Rico. Agad-agad siyang bumangon at sinabihan ang dalawa na aalis na siya. "o mga pare, uwi na ako huh? maraming salamat pareng Jake, at ikaw Bryan uwi ka na agad huh? baka dito ka pa mag-aalmusal, hehehe" sabay tapon ni Rico ng unan sa mukha ni Bryan at agad na tumakbo. 

Habang, lumalakad siya, may napansin siyang mga yapak ng mga paa na sumusunod sa kanya. Bigla siyang huminto at tinignan kung sino ang nasa likuran niya. Pero walang tao, pabilis ng pabilis at lakad niya at nariring niyang pabilis ng pabilis din ang lakad ng taong sumusunod sa kanya. Tumakbo siya habang tinitignan palingon-lingon baka makita niya kung sino ang sumusunod hanggang sa may nakabangga siya. "ouch!" sabi ng babae na nakapayong "ah, pasensiya ka na miss, akala ko kasi may sumusunod sa akin" sabi naman ni Rico sa babae. "okay lang Mr, halata nga na nagmamadali ka, saan ka ba pupunta? eh hindi pa simbang gabi ngayon" pabirong sabi naman ng babae. "ah, eh, hehehe uuwi na kasi ako ng may narinig akong mga yapak na sumusunod sa akin, okay sige na miss, sorry again, mag-ingat ka" "okay sige salamat din Mr" at naghiwalay na sila ng landas.

Alas 4:30 na nun ng umaga, habang naghihintay ng bus pauwi, may nakita si Rico na isang lalaking nakatayo sa kabilang daan. Pinilit niya itong aninagin at nalaman niya namang yung pala yung estyudanteng may dalang kutsilyo. Napa-atras si Rico at ng may dumating na Bus ay agad siyang sumakay. Pag-akyat niya, tinignan niya kung marami bang pasahero, "hay salamat! makakatulog ako ngayon, mabuti nalang maraming pasahero" at dumeretso siya sa may likuran at dun umupo. Mga ilang minuto palang ang nakalipas ay nakaidlip siya. 

Isang Malagim na Gabi [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon