(Author's Note: Wag basahin pag hindi pa nabasa ang previous chapters, para makaiwas sa ano mang pagkalito o hindi pagkaunawa sa storya. Maraming Salamat po at sana'y magustuhan niyo ang 2nd to the last chapter ng Isang Malagim na Gabi. :) )
“Weew! Weew! Weew!”
Malakas ang tunog ng abulansyang may hinatid na mga kabataan sa isang hospital na malapit sa kilalang adventure park sa Bukidnon. Maraming tao ang nangusisa kung ano ang nangyari subalit ni isa sa kanila ay hindi alam kung ano ba ang totoong misteryo na naganap sa loob ng adventure park.
Isang tawag sa telepono ang natanggap ni Lawrence, isa sa mga myembro ng Paranormal Org ng Central Mindanao University.
“Ano po? Saan pong hospital? Okay sige po pupuntahan po naming ngayon”
Ang tawag palang iyon ay nanggaling sa hospital kung saan dinala si Professor Jake at ibang kasamahan nito.
Habang papunta palang si Lawrence at ibang mga professor ay kinakabahan na sila kung ano ang talagang nangyari sa mga kasamahan sa loob ng adventure park pero hindi parin nawala sa kanila ang pananalig at pagpanampalataya sa Diyos na wala talagang nangyari sa iba nitong kasamahan ay kay Professor Jake.
Habang nagkakagulo na ang lahat sa loob ng hospital, si Lawrence ay parang may pinagtataka sa sasakyan na ginamit ng Professor at mga kasamahan nito.
“Ahmm, excuse me Sir, sino po ang nagdala ng van dito sa hospital?” tanong ni Lawrence sa isang pulis.
“Kami ho ang nagdala dito sa van, kasi tapos na din naming ma inspeksyon at maimbestigahan ang crime scene kabilang na dito ang van na ito” sagot ng pulis kay Lawrence
“Sir, tanong ko lang, bakit ang raming dugo dito? May namatay po ba?” tanong ulit ni Lawrence sa pulis.
“Pagkarating po naming sa crime scene, nakita po namin na may isang tao ang dead on the spot, lalaki po ito at may balbas, habang ang iba naman kasama na doon si Professor Jake ay duguan at parang may mga saksak at hiwa din ng kutsilyo” eksplenasyon ng pulis.
“Talaga po? E sino po ba itong dead on the spot?” mausisang tanong ni Lawrence
“hindi po naming kilala eh, ina-alam palang namin”
Habang sinasagot ng pulis ang katanungan ni Lawrence ay biglan tinawag ang pulis ng kasamahan niya para magimbestiga sa mga survivors kaya hindi na sila nakapag-usap pa.
Habang bakas naman sa mukha ni Lawrence ang tanong kung sino ba talaga ang namatay ng gabing iyon. Ilang minuto palang ang pagtingin-tingin ni Lawrence ay may narinig na siyang iyakan sa loob ng hospital kaya dali-dali siyang pumasok at tignan kung ano na ba ang nangyayari. At doon napag-alaman niya na ang dalawa sa kasamahan nito ay patay na, at si Brena at Professor Jake nalang ang naiwang buhay ngunit sa kasamaang palad naman ay hindi pa bumubukas ang mga mata ni Brena at sinabihan na sila ng doctor na baka macomatose si Brena sanhi ng bala na bumaon malapit sa utak nito.
At doon mas tumindi pa ang mga tanong ni Lawrence kung ano ba talaga ang nangyari sa grupo habang binisita nila ang adventure park.
“Oppa Gangnam Style!. . .”
Biglang tumunog ang cellphone ni Lawrence.
“Hello po? Tita” malungkot na bati ni Lawrence sa Mommy ni Chester
“Totoo ba ang nangyari sa anak ko?” kabadong tanong ng Mommy ni Chester
Mga limang segundong hindi nakapagsalita si Lawrence
“Lawrence, sabihin mo na buhay pa ang anak ko” paiyak na sabi na ng mommy ni Chester
“Ahmm, tita, si Chester po, huhuhuhu, wala na po siya” iyak na sabi ni Lawrence
BINABASA MO ANG
Isang Malagim na Gabi [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
Mystery / Thriller5 Kabataan ang makakatuklas sa tunay na storya sa likod ng Isang Malagim na Gabi (. . .C.O.M.P.L.E.T.E.D. . .)